TINIYAK ng FR Agbay Enterprises na matatanggap ng mga claimants ang mga abandoned OFW balikbayan boxes bago pa man sumapit ang araw ng Pasko.
Ayon kay Robert Uy, president ng FR Agbay Enterprises at kinatawan ng Association of Bidders of the Bureau Of Customs (ABBOC), tuloy-tuloy na ang pamamahagi ng mga bagahe sa mga consignees na boluntaryong kinukuha sa isang bodega sa Bulacan.
Sinabi ni Uy na nagkasundo na sila at ng Bureau of Customs (BOC) na gagawin ang pamamahagi ng “for pick-up” sa mga consignees na kukuha voluntarily habang ang iba ay ipapadala via door-to-door.
Aniya, dadalhin ang mga balikbayan boxes sa mga pantalan o port area ng BOC na tawid-dagat at doon ay maaari na rin i-pick up o ipapadala door-to-door.
“Huwag po silang mag-aalala dahil makakarating sa kanila ang mga bagahe bago mag-Pasko,” wika ni Uy.
Last week ay nagkaroon ng problema sa releasing ng bagahe kaya naman ipinatawag ng BOC ang grupo ni Uy at ang Door-To-Door Cargo Association of the Philippines (DDCAP) at niresolba ang mga “misunderstanding” kaugnay ng pamamahagi ng mga OFW balikbayan boxes.
Ipinamahala na ng BOC sa FR Agbay Enterprises ang distribusyon at nito ngang Sabado (Nobyembre 12, 2022) ay ipinagpatuloy ang releasing ng mga bagahe sa Howard Warehouse Compound sa Barangay Borol 1st sa Balagtas, Bulacan.
Dumating dito sina BOC Spokesman Arnold Dela Torre at Dolores Domingo, OIC Chief of Auction Division at ilang mga BOC police security upang mag-observe at mag-assist sa releasing activity.
May kabuuan nang 1,373 balikbayan boxes ang naipamahagi at nakuha na ng mga rightful owners mula sa na-auction na 17 containers na naglalaman ng 3,500 bagahe.
Nabatid na ang FR Agbay Enterprises kasama ang mga congregates of bidders ang lehitimong nanalo sa public auction ng BOC sa mga deklaradong abandoned balikbayan boxes.
Ang mga nasabing OFW balikbayan boxes ay mula sa Abu Dhabi ng United Arab of Emirates sa Middle East na natengga sa BOC sa loob ng 7 buwan kaya naman ito ay kabilang sa mga deklaradong abandoned goods/ shipments dahil pinabayaan ng mga consolidators sa nasabing bansa at ng local na deconsolidators sa Pilipinas.
Napag-alaman pa na ang susunod na pamamahagi ay isasagawa tuwing araw ng Huwebes at Sabado sa bodega nito sa Balagtas, Bulacan.