NLEX, HATAW pinaigting ang road safety programs

Pinangunahan ni Joel C. Agcaoili ng Hino Motors Corporation ang proper truck maintenance seminar.
PATULOY na pinaiigting ng NLEX Corporation ang mga hakbangin sa road safety matapos nitong inilunsad ang NLEX Biyahero Road Safety Caravan sa pakikipagtulungan sa Haulers and Truckers Association in the Watersouth (HATAW), isa sa mga pangunahing organisasyon ng trucker sa bansa.
 
Nilalayon ng NLEX Biyahero Road Safety Caravan na isulong ang kaligtasan sa mga kumpanyang miyembro ng HATAW kabilang ang kanilang mga driver at empleyado sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga seminar na nakatutok sa ligtas na pagmamaneho at pag-oorganisa ng mga masasayang aktibidad na nakatuon din sa kaligtasan ng mga kalahok.
 
Ayon kay NLEX Corporation President J. Luigi L. Bautista, ang kumpanya ay palaging nagsisikap na magbigay ng ligtas at secure na expressway dahil ito ay bahagi ng kanilang customer value proposition.
 
“Naniniwala kami na ang mga programa tulad ng NLEX Biyahero Road Safety Caravan ay makatutulong sa pag-impluwensya sa ating mga stakeholder na maging tagapagtaguyod ng kaligtasan sa kalsada at paalalahanan sila ng kanilang responsibilidad na maging ligtas ang kanilang expressway,” sabi ni Bautista.
 

Tampok sa road safety initiative ang two road safety seminars: ang NLEX Usapang Driver na nakatuon sa pagturo ng safe expressway driving at ang Proper Truck Maintenance seminar na isinagawa ng Truck Manufacturers Association (TMA). Si Joel C. Agcaoili ng Hino Motors Corporation ang representante ng TMA sa pagbabahagi ng kadalubhasaan sa paksa.

“Safe and disciplined driving is clearly a shared responsibility. We want to establish safety into the minds of drivers so that it becomes part of their behavior and attitude. Through seminars and forums and assisting our members to implement road safety programs, we hope to achieve our goal of eliminating road accidents caused by negligence or driver error,” wika ni HATAW president Don Manebo. 

“The NLEX Biyahero Road Safety Caravan aligns with HATAW’s advocacy to promote road safety amongst its truck operator members and their drivers thru collaborations and partnerships with transport stakeholders including NLEX Corporation,” dagdag ni Manebo.
 
Bukod sa mga seminar, dumalo ang mga kalahok para sa ilang mga aktibidad na nagbibigay kaalaman at pag-engganyo mula sa interactive games na nagpapataas ng kamalayan sa kaligtasan sa kalsada tulad ng driving simulator hanggang sa drunk driving goggles at iba pa.
Ipinahayag din ni Bautista ang pangakong ng NLEX Corporation sa pag-promote ng ligtas na pagmamaneho na ayon sa kaniya: “We stay true to our commitment in delivering customer-centric programs to promote safe driving as this stemmed from our main thrust to provide seamless and hassle-free expressway experience. Our strong partnership with our stakeholders including HATAW makes it easier to echo our advocacies to a wider scale for a safer NLEX and SCTEX journey.”
 
Sa paglipas ng mga panahon, ang NLEX Corporation ay nagsagawa ng  road safety programs upang ipakita ang kultura ng safe driving sa mga motorista at ibang stakeholders. 
 
At bilang ISO-certified tollway operator, ang kumpanya ay patuloy na pinapalakas ang mga hakbangin ng road safety initiatives sa pamamagitan ng ibat-ibang programa na nagtataguyod ng pamantayan sa kahusayan sa industriya.