NLEX handa na sa pagdagsa ng 300k motorista ngayong Undas

HINDI bababa sa 300,000 motorista ang inaasahang dadagsa ngayong darating na Undas sa North Luzon Expressway (NLEX) at nasa 77,000 motorista naman sa Subic Clark Tarlac Expressway kaya naman tiniyak ng NLEX Corporation na handa na sila dahil sa pinaigting nitong operasyon.
 
Upang masiguro na hindi magkakaroon ng pagbuhol ng trapiko, magpapatupad ang NLEX Corp. ng mga karagdagang traffic management measures mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2 para sa inaasahang pagdagsa ng motorista na magdudulot ng mataas na traffic volume sa darating na All Saints’ Day at All Souls’ Day.
 
Ang pina-igting na operasyon ay parte ng  “Safe Trip Mo Sagot Ko” motorist assistance program ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na naglalayon na pahusayin ang mga serbisyo ng expressway para sa mas ligtas at mas maginhawang paglalakbay.
 
“For 13 years that we have been doing the SMSK, our priority remains the same: to make sure that our motorists will have safe, efficient, and enjoyable travel experience,” ayon kay NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi L. Bautista, adding that “We will heighten our operations as we are projecting an increase of around 10 percent in our average daily traffic of 278,000 at NLEX and 71,000 at the SCTEX.”
 
Ayon pa kay Bautista, ang toll operations teams mula sa mahigit  1,000 patrol crews, traffic marshals, security teams, incident response teams, at toll lane personnel ang ikakalat para pangasiwaan ang daloy ng trapiko at magbigay ng assistance sa mga motorista para sa kanilang kaligtasan at agarang makatugon sa kanilang pangangailangan.
 
Mahigpit ding susubaybayan ang mga inaasahang high volume plazas gaya ng BalintawakMindanaoKaruhatanValenzuela (Paso de Blas)MeycauayanMarilaoBocaueSta. RitaPulilanSan SimonSan FernandoClark SouthTarlacTipo, at SFEX.
 
Maglalagay din ng mga karagdagang directional at road safety signs sa mga strategic areas para mapaaalahanan ang mga motorista.
 
Ipagpapaliban din ang mga konstruksyon at lane closures sa mainline road ng NLEX-SCTEX puwera lamang ang Candaba Viaduct at mga lugar kung saan mangangailangan ng safety repairs.
 
Dalawang linya lamang ng Candaba Viaduct southbound ang ipapagamit sa mga motorista dahil ito ay kasalukuyang sumasailalim sa pagkumpuni subalit papayagan naman mag-counterflow sa NLEX northbound.
 
Pinaaalalahanan din ang mga motorista na i-check ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe para sa mas ligtas na pagbiyahe.
 
Hinihikayat din sila na magpakabit ng RFID upang maka-iwas sa inaasahang mahabang pila sa Cash lane transaction.