Nanay, 2 anak patay sa aksidente sa Bulacan

Ang gutay-gutay na Mitsubishi L-300 van ng mga nasawing mag-iina kabilang ang ina at dalawang anak nito na nasawi matapos maatrasan ng nawalang prenong Howo Dump Truck (nasa likod) sa Barangay Marungko, Angat, Bulacan nitong Miyerkules ng gabi, November 27. (Larawan kuha ni: ANGELITO SIAPCO)
ANGAT, Bulacan — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang pamilya kabilang ang ina at mga anak nito na 6-taon at 2-taong gulang na bata  sa malagim na road accident sa Sitio Tugatog Brgy. Marungko ng nabanggit na bayan Miyerkules ng gabi.
 
Kinilala ang nasawing mag iina na sina Angielyn Herrera at anak na sina Andrie, 6 years old at Sky, 2 years old habang nakaligtas naman ang ama na si John Jovy Herrera at pawang residente ng Barangay Binagbag, Angat, Bulacan.
 
Sa inisyal na report ng kapulisan naganap ang trahedya badang alas-9:PM habang parehas na binabagtas ng Howo Truck na may plate no. NBB7921 at ng Mitsubishi L300 van na may plate no. PIE 431 ang matarik na kalsada ng Sitio Tugatog sa kahabaan ng Gen. Santos Highway ng mawalan ng control ang driver ng truck na si John Arn De Castro, 26,, single, residente ng Brgy. Sapang Putik, San Ildefonso, Bulacan.
 
Nabatid na magkasunuran ang dalawang involved vehicles kung saan nasa unahan angtruck na biglang huminto at umandar paatras at sinuro pabalik ang sasakyan ng mga biktima na nagresulta ng pagkamatay ng mag-iina.
 
Dinala sa Norzagaray Public Hospital ng Angat Rescue team ang mga biktima na kalaunan ay dineklarang dead on arrival ang mag iina habang patuloy na ginagamot ang ama. 
 
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Angat MPS ang driver at inihahanda ang mga kaukulang kaso na Reckless Imprudence Resulting in Homicide (3 counts), Serious Physical Injury at Damage to Property.