Motorcade ni Fernando-Castro mainit na sinalubong ng mga Bulakenyo

Si Bocaue mayoral candidate former Mayor Jon-Jon Villanueva at vice-mayoral candidate former Congressman Sherwin Tugna kasama sina re-electionist Governor Daniel Fernando at vice-gubernatorial candidate Bokal Alex Castro sa kanilang pag-iikot sa 19 na barangay sa bayan ng Bocaue, Bulacan kung saan mula umaga hanggang gabi ay naging maiinit ang pagtanggap sa kanila ng mga Bocauenyos. CONTRIBUTED PHOTO
HINDI alintana ng mga lokal na kandidato partikular na sa Bulacan gaya nila reelectionist Governor Daniel Fernando at vice gubernatorial candidate Bokal Alex Castro ng National Unity Party (NUP) ang matinding init sa kanilang buong araw na campaign rally o motorcade sa bawat bayan sa nasabing lalawigan.
Hindi hadlang ang mala-bunduking lugar ng bayan ng San Ildefonso para kena Governor Daniel Fernando, kandidatong muli bilang gobernador at Bokal Alex Castro, kandidato namang bise-gobernador para sa campaign sortie ng kanilang pag-iikot sa 21 munisipalidad at 3 lunsod sa lalawigan ng Bulacan. Kuha ni: ERICK SILVERIO
Halos araw-araw ay ibat-ibang mga bayan ang iniikot ng Fernando-Castro tandem kasama ang mga volunteer supporters ng kanilang tambalan mula alas-8 ng umaga hanggang abutin ng gabi kasama ang iba pang lokal na kandidato sa mga bayan-bayan.
Ilan dito ay ang bayan ng Bocaue kung saan inikot ni Gob Fernando at Bokal Castro kasama ang nagbabalik na si Bocaue Mayor JonJon Villanueva at vice-mayoral candidate former Congressman Sherwin Tugna at ang buong Solid Team ng JJV-Tugna tandem ang 19 na barangay dito nitong Sabado.
Mula sa umaga hanggang sa katirikan ng araw ay hindi magkamayaw ang mga Bocauenyos sa pagsalubong sa kanilang iniidolong mga kandidato.
Nabatid pa na ang nasabing motorcade ay walang stop over at hindi alintana nina Frernando, Castro, Villanueva at Tugna ang init at gutom makawayan ang libu-libong mga Bocauenyos.
Ilan sa mga naikot nang mga bayan ay ang San Ildefonso, Hagonoy, San Miguel, at Dona Remedios Trinidad.