MGA PROBLEMA DULOT NG BAHA SA BULACAN

Sa talumpati ni Gobernador Daniel Fernando, ng Lalawigan ng Bulacan, kamakailan, ipinahayag niya na ang basura ang numero unong problema ng Bulacan, aniya ito ang mga bumabara sa lagusan ng tubig baha. 
 
Batay sa ating mga naisulat hinggil sa pangunahing suliranin sa nasabing lalawigan, ay ang pagbaha, dahil ang pagbaha ay sanhi ng heograpikal na kahinaan, pagkabigo sa imprastraktura, at pagkasira ng kapaligiran ay nananatiling pinakamabigat na isyu ng anumang lugar. 
 
Bagamat ang basura ay humahadlang sa mga baradong pagaagusan, ito ay kasama nga sa mga mas malalaking problema. Ayon sa ating pananaliksik. May mahigpit na pangongolekta ng basura at tamang pagtatapon sa ilalim ng Republic Act No. 9003, na nagbabawal ang mga basura sa mga daluyan ng tubig. Subalit may iba pang dapat bigyan ng pansin hinggil sa patuloy na pagbaha, ito ay dahil na rin sa patuloy na Imprastraktura at tila hindi alintana ang naidudulot ng kapaligiran. Ang mga bagay na nakaharang sa ilog at kanal dahil sa mga proyekto sa reclamation, conversion ng lupa, at mga industrial complex ay nagpapalala sa pagpapanatili ng tubig. Ang deforestation ng bakawan o mangrove at land subsidence ay higit na nakakabawas sa proteksyon sa baybayin at nagpapataas ng panganib sa baha. 
 
Tsk! Tsk! Tsk! Tama rin naman si Gov. Fernando na ang basura ay isa sa pangunahing kontributor sa pagpapanatili ng baha at siyang humahadlang sa mga lagusan nito. 
Datapwat nangangailangan din ng masusing pagpaplano at imprastraktura ng isang lugar, kung kaya’t ang mga basurang tulad ng plastik at styrofoam ay bumabara sa mga pagaagusan.
  
Ang pagbaha sa Bulacan ay nangangailangan ng mga istruktural na solusyon, halimbawa ang pagsasaayos at lagiang pagsubaybay sa mga floodgates, dredging at mga hakbang sa kapaligiran tulad ng reforestation, at ang desiplina ng taumbayan na huwag magtapon ng basura sa kanal, ilog at sa mga inaagusan ng tubig baha. 
***
Sa ating natanggap na ulat ay pormal nang sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang isang buwang pagdiriwang ng Philippine Environment Month ngayong Hunyo tampok ang serye ng mga aktibidad na layuning paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan at isulong ang adbokasiya ng sustenableng kaunlaran sa buong lalawigan.
  
Tsk! Tsk! Tsk! Dahil sa magandang kinabukasan at kahihinatnan ng pangangalaga sa kapaligiran, ay malugod na sinuportahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang nasabing pagdiriwang.
“Hindi lamang tuwing Buwan ng Kalikasan dapat ipinapakita ang ating malasakit sa kapaligiran. Dapat itong maging araw-araw na adbokasiya ng bawat Bulakenyo,” pagtatapos ng gobernador. Hanggang sa muli!