PINUNA NI GORDON ‘BELOW THE BELT’ NA MURA NI DUTERTE
Matindi rin itong awayan nila Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Richard Gordon, kasalukuyang Chairman ng Senate Blue ribbon Committee. Humantong na sa murahan, at nabanggit ng Senador, sa ‘you tube’ na pati ina niya namura na din ng mapagmurang Pangulo, Kalmado ang pagsasalita ng Senador, at dahil sa Kapaskuhan ay nasabi na lamang niya na ‘I’ll pray for you,’ patungkol sa Pangulo.
Tsk! Tsk! Tsk! Ewan natin kung anong uri ng panalangin, ang nasasa-isip ng Senador. Noong magkita kami ng magtatahong natitinda ng mapaklang taho, sabi niya na, “Katropa, kailangan huwag patinag ang magaling na Senador sa kanyang kalaban. Magkaroon ng paninindigan na ituloy ang imbestigasyon ng kasong anomalya, na kanyang sinusuri sa kanyang pinamamahalaang komite. Dama naman ng taumbayan kung sino ang mapanlinlang eh.”
Tanong ko sa magtataho, sino ba ang mapanlinlang? Tama ba na bigyan mo ako ng mapaklang taho, walang tamis? Inirapan ako na may karugtong na salitang, “ libre naman iyun eh,” sabay talilis. Sarap kutusan hehehe.
***
Nitong nakaraang linggo ay pinag-isang dibdib sina Christine Machica at Jonam Gerona San Luis. Isang marangyang kasalan ang ating sinaksihan bilang isa sa mga Ninong. Ipinagdarasal ko na magkaroon kayo ng maayos at masaganang pamumuhay, patuloy na pagmamahalan, panatilihin ang paggalang, pagbibigayan, unawa at tiwala sa bawat-isa. Ang kasal ay ginanap sa Ka-Enan Restaurant, Brgy Gaya-Gaya, LSJDM.
Tsk! Tsk! Tsk! Ang kasal ay sagrado. Ito ay isang pormal na pagsasamang legal, na may kasunduan sa pagitan ng dalawang tao na pinag-iisa sa buhay, na alinsunod sa batas, pamumuhay at emosyonal. Matuwid na relasyong sekswal sa pagsasama ng ikinasal ay isang lehitimong inaayunan ng batas. Mabuhay Christine at Jonam!
Nais natin ibahagi ang mensahe ni Mayor Arthur Robes, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) na ayon sa kanya, sa Kapaskuhan, ay iwanan ang problema, sama-sama, tulong-tulong sa pagbangon. Muling balikan ang pagARangkada sa patuloy na pamamahagi ng munting regalo para sa bawat Pamilyang San Joseño sa pangunguna niya, katuwang si Congw. Florida “Ate Rida” Robes at ang bumubuo ng Sangguniang Panlungsod. Nawa anya na ang kasiyahan ang maging hatid sa mga mahal sa buhay ng pamilyang San Josenios.
Ating napag-alaman pa rin na patuloy ang ginagawang pagsisikap ni Mayor Robes na maging maayos ang buhay ng mamamayan sa LSJDM. Muli niyang miniting ang Task Force ERID (Task Force for Emerging and Re-Emerging Infectious Diseases,) upang talakayin ang mga update sa lagay ng COVID-19 sa naturang lungsod. “ Bilang inyong Punong Lungsod ay ginagawa ko po ang lahat upang ating mapuksa ang COVID-19. Kaya naman regular kong pinupulong ang ating mga katulong na opisina,” ayon sa naitalang ulat ni Mayor Robes.
Tsk! Tsk! Tsk! Walang humpay na trabaho para sa kapakanan ng sambayanan, iyan ang tatak ng mag-asawang Robes. Kaya naman kahit ano ang mga patutsada ng kanilang mga kritiko ay nahahalinhan ng positibong reaksyon mula sa mas nakararaming San Josenios. Mabuhay po kayo San Josenios!