Naging matagumpay na nailunsad ang Passport on Wheels ng Department of Foreign Affairs (DFA,) sa Bayang Pandi, Bulacan, sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit nito, na pinangasiwaan naman ng Public Employment Service Office (PESO,) Pandi, na ginanap sa Munisipyo ng naturang bayan, noong ika-14 ng Nobyembre, 2023.
Ayon kay G. Felman Mark Torres, Labor Employment Officer 111, na ang Passport on Wheels ay naisakatuparang proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Bayang Pandi sa pangunguna ni Mayor Rico Roque, VM Lui Sebastian at ng Sangguniang bayan.
Ang nasabing programa ay ibinaba sa banyang Pandi, upang hindi na mahirapan pa ang mga kabataan at katandaan na dumayo pa sa ibayong lugar upang makakuha lamang ng bagong pasaporte.
Pinasalamatan din at binigyan ng Sertipiko ang DFA, sa serbisyong ipinagkaloob nito sa mga mamamayan ng Pandi.
Umaabot sa ilang daan din na taga-Pandi ang naserbisyuhan ng mga magagalang at palakaibigang kawani ng DFA, LGU, Pandi at ng PESO, Pandi.
Tsk! Tsk! Tsk! Talagang nasiyahan ang taumbayan sa ginawa ng Local Government Unit of Pandi, sa pangunguna nga ni Mayor Roque, na dalhin ang programang Passport on Wheels mismo sa bayang Pandi. Higit ang tuwa na nababakas sa mga mukha ng mga Senior Citizens, na sila ay hindi na ba-biyahe sa malayong lugar, tulad ng Manila o San Fernando City sa Pampanga, para lamang makakuha ng panibagong passport.
“Mainam at naisipan nila Mayor Roque, kasama ang kanyang mga kapanalig na dalhin ang proyekto ng DFA sa ating lugar. Nakatipid na kami sa pasahe at hindi na mapapagod pang bumiyahe ng malayo. Salamat Mayor!” sabi ng isang matandang nagre-renew ng pasaporte.
Nais natin pasalamatan ang maayos na pagiistima sa Katropa at sa aking Maybahay, ng mga kawani ng PESO Pandi, na pinamumunuan ni G. Torres, habang inaayos nila ang aming pasaporte. Hanggang sa muli, nawa ay mayroon pang ganitong uri ng paglilingkod sa bayan. Mabuhay po kayong mga lingkod bayan!