HANDA na ang Lungsod ng Maynila para sa selebrasyon ng Chinese New Year kung saan nakalinyada na ang mga aktibidad dahil sa pagluluwag ng health protocols sa gitna ng umiiral pa ring COVID-19 pandemic.
Ngayong gabi araw ng Sabado ay isasagawa ang countdown kung saan mapapanood sa kalangitan ang inihandang fireworks display sa hatinggabi sa Binondo-Intramuros Bridge.
Masisilayan ng mga pupunta rito ang mga magagarang pasiklab o fireworks display na mapapanood buhat sa Jones Bridge.
Isasara sa publiko ang Binondo-Intramuros Bridge ngayong Sabado para bigyan daan ang preparasyon ng selebrasyon.
Magaganap naman ang dragon boat competition bandang alas-*:00 ng umaga sa Linggo simula sa MacArthur Bridge papuntang Binondo.
Isasagawa naman ang solidarity parade sa bandang hapon dakong alas-2 p.m..
Inaasahang dadagsang muli ang mga nagtitinda ng ng tikoy sa kahabaan ng Ongpin Street sa Binondo at mga prutas at mga palamuti o lucky charms.
Samantala, nasa 3,200 na kapulisan ang ikakalat para panatiliin ang seguridad kaugnay ng selebrasyon ng Chinese New Year sa Linggo.