ITINALAGA muna bilang officer in charge (OIC) administrator ng Maritime Industry Authority (Marina) ng Department of Transportation (DoTr) si Sonia Malaluan hanggang sa July 31, 2022, o habang wala pang napipili para pangasiwaan ang nasabing ahensiya.
Si Malaluan ay naglingkod sa Marina nang 32-taon at humawak ng mga top positions bilang OIC-deputy administrator for planning, director of Marina Regional Office-National Capital Region at maritime attaché in London.
Humawak din siya ng mga major role sa maraming Marina organizational changes, kabilang ang crafting of the Marina Roadmap para sa pagsasaayos ng country’s domestic shipping industry, na bahagi ng 10-year Maritime Industry Development Program, gayundin sa mga policies, rules at regulations.
Si Malaluan ay tagapagtaguyod ng women empowerment and equality at Women in Maritime-Philippines (WIMAPhil) Marina sub-chapter president sa loob ng apat na taon.
Naging miyembro din siya ng Governing Council of the Women in Maritime-Asia.
Isa siyang certified public accountant, na nagtapos ng kaniyang Masteral in Public Administration sa Lee Kuan Yew School of Public Policy, National University of Singapore.
Nakuha rin niya ang Master of Science in Shipping Management sa World Maritime University sa Sweden at ang Bachelor of Science in Commerce, Major in Accounting sa University of Batangas.