Liga ng Pagbabago hatid ay bagong pag-asa para sa Balagtaseño ngayong 2022

ABOT-KAMAY na ang bagong pag-asa ngayong 2022 para sa bawat Balagtaseño dahil ilang buwan na lang ay bagong mga lider ang inaasahang magbibigay ng panibagong sigla sa bayan ng Balagtas, Bulacan na tanging hatid ng Liga ng Pagbabago.
 
Ramdam na ng bawat sulok sa siyam na barangay sa bayan ng Balagtas ang tunay na paglilingkod na may puso at malasakit na hatid ng tambalang Lito Polintan at Mel Ventura kasama ang buong ticket ng Liga ng Pagbabago.
 
Sina Polintan, kandidato bilang mayor at si Ventura bilang vice-mayor at ang mga konsehales nito para sa nalalapit na Mayo 2022 elections na sina Monay Payuran, Boogie Castro, Tate Santiago, Ian De Guzman, Jepok Ventura, Analyn Jose, Bobby Estrella at Gerald Vergara ay kinasasabikan na ng libu-libong  Balagtaseño para pamunuan ang bayan ng Balagtas.
 
Ang grupo ni Polintan ang sinasabing magbibigay ng tapat at maayos na paglilingkod at mas higit na magpapataas pa ng antas ng ekonomiya ng lokal na pamahalaan.
 
Ang nasabing grupo ay humakot ng daang-libong suporta mula sa ibat-ibang sektor sa nasabing bayan  dahil batid ng mga ito ang sinseridad ng tambalang Polintan-Ventura sa larangan ng serbisyo publiko at pagtulong.
 
Kinakitaan din si Polintan ng katapatan at takot sa Diyos sa paglilingkod at maghatid ng serbisyo nang walang hinihinging kapalit o pang-sariling interest kaya siya ang napipisil na mamuno bilang alkalde sa darating na 2022 elections. 
 
Ilan lang iyan sa mga katangiang nasisilip ng maraming Balagtaseño kay Polintan dahil na rin sa pagiging Good Samaritan na noon pa ay nakaugalian na ang tumulong sa kapwa hindi pa man isang serbisyo publiko.
 
Maraming mga progresibong programa at proyekto ang nakahandang ilatag ng Liga ng Pagbabago na ngayon lang makakamit ng bayan ng Balagtas sakaling maupo bilang alkalde st bise-alkalde sina Polintan at Ventura.
 
Prayoridad na programa na ihahatag ng Polintan-Ventura tandem ay pagpapatupad ng good governance upang umangat ang antas ng lokal na pamahalaan; ang palakasin ang ekonomiya sa nasabing bayan sa pamamagitan ng paghikayat ng maraming mga investors o negosyante;  edukasyon sa pamamagitan ng scholarship program sa mga mag-aaral na kapos sa pagpapaaral.
 
Kasama rin dito ang pagpapanatili ng malinis, maayos at tahimik na kapaligiran; pag-agapay sa mga senior citizen, kababaihan, kabataan, mother leaders, solo parent, TODA  at iba pang mga non-government organization sa pamamagitan ng training programs o livelihood projects at pagtatayo ng sariling community hospital.