Libu-libong Balagtaseño lumahok sa ‘Lakad Para Sa Pagbabago’ ng Team LP-MV

“Lakad Para Sa Pagbabago’ ng Team Lito Polintan- Mel Ventura. Kuha ni ERICK SILVERIO
ABRIL 24,  2022– Lumahok ang mahigit 14,000 supporters sa isinagawang “Lakad Para Sa Pagbabago” nitong Linggo ng Team LP-MV na isang pagpapatunay ng pakakaisa ng mga Balagtaseño na magkaroon ng tunay na pagbabago ng pamumuno sa bayan ng Balagtas, Bulacan.
Mayoral candidate Lito Polintan, Councilor Monay Payuran, vice-mayoral candidate Mel Ventura. CONTRIBUTED PHOTO
 
Bandang alas-6:00 ng umaga nang magsimula nang mag-ipon-ipon ang mga supporters ng Team Liga ng Pagbabago sa pangunguna ng tinaguriang “The Good Samaritan” at mayoral candidate na si Lito Polintan at ang running-mate nito na si vice-mayoral candidate Mel Ventura sa Barangay San Juan kung saan dito ang starting point ng “Walk For A Change”.
 
Tinatayang hindi bababa sa 14,000 pawang mga Balagtaseño ang boluntaryong sumama sa nasabing aktibidad kasama ang kanilang mga kandidato sa nalalapit na 2022 elections kung saan tiniis ng mga ito ang init at naglakad ng mahigit sa 3 kilometro para lamang ipakita sa buong bayan ng Balagtas ang kanilang pagtitiwala at pagsuporta kay Lito Polintan at Mel Ventura.
 
“Team Liga ng Pagbabago” CONTRIBUTED PHOTO
 
Kasama rin ang mga bidang kandidato sa pagka-konsehal na sina Monay Payuran, Boogie Castro, Tate Santiago, Ian De Guzman, Jepok Ventura, Analyn Jose, Bobby Estrella at Gerald Vergara. 
 
Nakilahok din ang mga pambatong Bokal na kakatawan sa Distrito Singko na sina Ricky Roque at Teta Santiago.
 
Ayon kay Polintan, hindi niya inaasahan na dadagsa ang ganun karaming mga supporters kaya naman labis ang pinaabot nitong pagpapasalamat sa mga ito.
 
“Salamat ng marami Balagtaseño, ito ay isang pagpapatunay na nais na ng bayan ng Balagtas ng bagong pamumuno, bagong Balagtas1,” pahayag ni Polintan.
 
 
Marami rin mga nakasaksi sa nasabing “Lakad Para Sa Pagbabago” ang namangha sa dami ng sumama sa naturang walk-rally ng Team LP-MV matapos umabot sa mahigit isang kilometro ang haba ng parada na bahagyang nagpasikip sa daloy ng trapiko.
Balagtaseño ang nagnanais ng makabagong pamamahala at bagong mamumuno sa bayan ng Balagtas at ito ay nakikita nila sa katangian ng Team Liga Ng Pagbabago LP-MV.
 
Ang grupo ni Polintan ay humakot ng daang-libong suporta mula sa ibat-ibang sektor sa nasabing bayan  dahil batid ng mga ito ang sinseridad ng tambalang Polintan-Ventura sa larangan ng serbisyo publiko at pagtulong nang taos sa puso at walang hinihinging kapalit.
 
“Tunay na serbisyo para sa bawat Balagtaseño, paglilingkod na may takot sa Diyos at walang pansariling interest kundi tapat at maayos na pamamahala ang maaasahan sa Team Liga ng Pagbabago,” ayon kay sa tinaguriang “The Good Samaritan” mula noon hanggang ngayon.