Kapulisan sa CL nagsagawa ng “Bisikleta Iglesia”, 3K pulis ikinalat

Kapulisan sa CL nagsagawa ng "Bisikleta Iglesia", 3K pulis ikinalat
Alinsunod sa programang security preparation ngayong Mahal na Araw ay nagsagawa ang Police Regional Office 3 (PRO3) ng “Bisikleta Iglesia” para matiyak ang kaligtasan ng publiko partikular na ang mga nagtutungo sa mga simbahan nitong Huwebes Santo. CONTRIBUTED PHOTO
CAMP Olivas, City of San Fernando, Pampanga– Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at i-maximize ang police visibility at kanilang presensiya sa mga simabahan ay nagsagawa ang Police Regional Office 3 (PRO3) simultaneous “Bisikleta Iglesia 2023” ngayong Huwebes Santo o Maundy Thursday.
 
Ayon kay Central Luzon police director P/BGen Jose Hidalgo Jr. ang nasabing aktibidad ay parte ng kanilang security preparations ng buong PNP kasabay na rin ng pagdaraos ng Mahal na Araw.
 
“While we continue to conduct patrol operations and promote peace and order, we also want to keep our faith in our Creator,”  ani Hidalgo.
 
Sinabi ni PCol. Marites Salvadora, Chief Regional Community Affairs and Development Division na nasa 100 police personnel mula sa Regional Headquarters, Regional Mobile Force Battalion 3 at Pampanga Police Provincial Office ang sumama sa naturang activity na siya ring ginagawa sa mga provincial at city police offices region wide.
 
3K cops, force multipliers ikinalat sa CL
 
Halos 3,000 police personnel kasama ang mga force multipliers at augmentation troops buhat sa ibang law enforcement units ang ipinakalat para sa paggunita ng Mahal na Araw at summer vacation.  
 
Ito ay kinabibilangan ng mahigit 1,500 cops, 1,299 force multipliers at halos 300 augmentation troops mula sa ibang ahensiya ang ngayon ay nakaalerto para magbantay sa mga lugar ng sambahan, mga lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao, major roads, pilgrimage sites at tourist destinations.
 
Ayon kay Hidalgo ginagampanan na rin nila ang close coordination sa mga concerned units para mapanatili ang peace and order habang ginugunita ang Lenten season at summer vacation.