JOINT PROVINCIAL MUNICIPAL ADVISORY GROUP MEETING ISANG TAGUMPAY!

Taos pusong pinasalamatan ni P/ Lt. Col Rey Apolonio, Chief of Police ng Pandi Police Station, ang Mayor ng Pandi na si Kgg. Enrico Roque, ang mga Miyembro ng Municipal Advisory Group (MAG,) ang mga Kawani ng Pandi PNP, ang iba pang kasapi ng MAC at mga Alagad ng Batas mula sa bayan ng Marilao at Norzagaray, Bulacan, na dumalo sa Joint Provincial Municipal Advisory Group Meeting, na ginanap sa Yolanda’s Place, Barangay Bunsuran 1st, Pandi town, Miyerkules ng umaga, ika-10 ng Abril, 2024.

 

Ayon sa kay P/Lt. Col Apolonio, ang nasabing pagtitipon ay kapupulutan ng ibat ibang proyekto na puwedeng i-adopt ng mga Municipal Advisory Group at ng kanilang mga kapulisan. “Para lalo pong matulungan ang programa ng kapulisan sa bawat bayan. Kung wala ang inyong mga suporta (MAC) kami pong mga kapulisan ay maghihirap, hindi makalalakad ng magisa, kaya kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyo, dahil na create po itong Police Strategy Management Unit (PSMU.) 

 

Kung saan tinitignan ang performance ng bawat unit, at dito nakikita ang kulang sa mga dapat gawin ng kapulisan. Kung saan kayo na mismo ang nagbibigay ng tulay, bridges sa aming mga gawain. Labis kaming nagpapasalamat dahil itong PPSMU ng provincial office ay walang sawang bumababa, sa bawat station para tayo ay tugaygayan, at bigyan ng alalay kung paano isagawa o paano natin gagawin iyung mga bagay na maaring makatulong ating panunungkulan, o pagseserbisyo sa ating nasasakupan.

 

Kaya ang inyong lingkod bilang Hepe ng kapulisan ng Pandi, ay muling nagpapasalamat sa inyo sa ating Mayor Enrico Roque, ang Municipal Advisory Group ng Pandi at sa Provincial PSM Unit. Sa lahat ng kapulisan na nandito na sumusuporta sa adhikain ng ating organisasyon, para makapagbigay ng mas maganda pang serbisyo para sa kanyang nasasakupan . Isang magandang hapon at maraming salamat po sa inyong lahat,” patapos ni Hepe Apolonio.

 

Dumalo sa nasabing okasyon ang mga miyembro ng MAG at tauhan ng PNP, mula sa bayan ng Marilao, Norzagaray at Pandi, Bulacan, sina: Pastor Jonet De Castro

Esmeraldo Esteban, Pat. Sarah Guinto, Pat. Jay March Rivera, Rome Corpus, P/Cpt Lydio Venigas, Pat. Apollo Villanueva, Pat. Dranreb Bautista, PSSg Rosmarie Daga, PSSg Michelle Miranda, P/Cpl Michael Mangalabnan, Adora Pineda, Rodolfo Turo, Angelina Auza, Amelita Cruz, P/Capt. Ericson Cruz

PEMC Reynaldo Dalizay, PEMC Jocelyn Dino, PCMS Jacqueline Haplic

PMSg Wenefredo Dalagan, Marites Antonio, Salvador Clores  Jr., P/Cpl Meriam Barredo, Pastor Marlon Nebre, P/Lt Col Rey Apolonio at Katropang Vic Billones lll.

 

Tsk! Tsk! Tsk! Mabuhay ang MAG at ang PNP! Hanggang sa muli.