International Experts, Nagtipon Sa Pagpapatibay Ng Kapayapaan sa Ika-8 Taon ng DPCW

Habang isinasaalang-alang ang 33,000 buhay na nawala sa mga digmaan sa buong mundo kabilang ang Russia-Ukraine at Israel-Hamas nitong taong 2023 lamang, muling isinulong ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) ang kahalagahan ng institusyonalisasyon ng kapayapaan sa ika-walong anibersaryo ng Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW) nitong Marso 14, 2024 sa peace training institute nito sa Gapyeong-gun, Gyeonggi-do, South Korea.

 

May temang: “Building the Minds of Peace: Promoting Institutional Peace via Intercultural Dialogue and Understanding” ang pagdiriwang ngayong taon.

 

Ang proklamasyon ng DPCW ay taunang ginugunita simula noong 2016. Ngayong taon, may 12,500 eksperto mula sa politika, legal, relihiyon, edukasyon, media, at mga kinatawan ng mga kababaihan at kabataan, mapa-online man o hindi ang nagtipon. Dumalo rin ang 10,000 na kasapi ng HWPL sa South Korea.

 

Sa pakikipagtulungan ng mga international legal specialists mula sa 15 bansa, isinulat ang DPCW na may 10 artikulo at 38 sugnay. Binabalangkas nito ang mga panuntunan at kagamitan na kinakailangan upang pigilan at resolbahin ang mga alitan, palaganapin ang kapayapaan sa pandaigdigang lipunan, at alamin ang malinaw na papel ng mga indibidwal, mga komunidad at mga bansa para sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan.

 

Sa kanyang congratulatory speech, sinabi ni H.E. Vidura Wickramanayaka, Minister of Buddhasasana, Religious and Cultural Affairs, “The commitment and dedication shown in the pursuit of peace projects have not only been commendable but have also laid the foundation for a more harmonious world. The tireless efforts of individuals and organizations working towards the common goal of ending war and fostering understanding among nations are truly inspiring.”

 

Bilang Pangulo ng Daegak Buddhism Jogye Order sa South Korea, binigyang-diin ni Ven. Beopsan na siyam na taon nang sumasali sa mga interreligious dialogue ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga religious leaders sa pagtataguyod ng kapayapaan kabilang na ang talakayakan ng mga kasulatan. Aniya, “Intercultural dialogue and understanding can be found at HWPL’s World Alliance of Religions’ Peace Office. The root of religion is one and its meaning is a truly noble value.”

 

Binigyang-diin na ang mga alitang may kinalaman sa relihiyon ay nagbabanta sa kapayapaan sa mundo, sinabi ni HWPL Chairman Man-hee, “Different religions should come together, learn each other’s values and become one by comparative study on scriptures. Religious communities should practice faith based on scriptures, so they can live with humanity on this earth. We must create a world where people communicate, cooperate, and help each other regardless of religion.”

 

Iba’t ibang aktibidad ang isinasagawa sa buong mundo. Sa Pilipinas, 10 resolusyon ang nilagdaan bilang pagpapakita ng malakas na suporta sa DCPW mula sa apat na munisipalidad, apat na lungsod, isang probinsya, at kamakailan lamang ay ang regional resolution ng BARMM. Umuusad ang DPCW upang makakuha ng suporta mula sa Pangulo.

 

Ipinasa rin ng BARMM ang isang resolusyong nagdeklara ng Enero 24 bilang “Peace Day” sa rehiyon na ipagdiriwang taun-taon ng 4.4 miyong mamamayan ng Bangsamoro bilang bahagi ng Bangsamoro Foundation Week.

 

Sa kasalukuyan ay may 18 peace monument na naitayo sa mga paaralan at komunidad sa buong Pilipinas na sumisimbolo sa paglaganap ng kapayapaan sa bansa.

 

Dagdag pa rito, iprinesenta ang mga contextualized peace education exemplars sa Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao noong ganapin ang 1st Bangsamoro Peace Education Summit Conference noong Enero 29 na pinangunahan ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE).

 

Umuusbong din ang HWPL Peace Clubs na aktibong nakikibahagi sa iba’t ibang inisyatiba, kabilang ang itinatag sa Signal Village National High School sa Taguig City kamakailan.

 

Nitong Marso 11, nagpahayag ng pakikiisa ang tinatayang 30 mamamahayag sa Bangsamoro na tumulong palakasin ang panawagan sa kapayapaan sa pamamagitan ng Voice of Press: Media Forum for Peace Journalism na ginanap sa Cotabato City, na inorganisa kasama ang Bangsamoro Multimedia Network (BMN), Inc.

 

Ilalahad ang mga milestone ng sangay sa Pilipinas sa 2nd National Peace Convention na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) sa pagsisikap na makamit ang pandaigdigang kapayapaan at pagtigil sa digmaan sa pamamagitan ng pagsuporta sa DPCW, peace journalism, peace education at interfaith unity. Gaganapin ito sa Abril 20, 2024 kung saan inaasahan na dadaluhan ng 4,000 kalahok na kinabibilangan ng mga mambabatas, opisyal ng gobyerno, akademya, relihiyosong grupo, media, kabataan at kababaihan.