LUNGSOD NG MALOLOS – Isang bihirang uri ng berdeng iguana ang natagpuan at nakuha sa Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) Bustos Checkpoint noong Pebrero 25, 2023, Sabado ng hapon.
Ang berdeng iguana ay humigit-kumulang nasa 45 na pulgada ang haba mula sa nguso hanggang sa buntot at may mga pambihirang katangian kumpara sa iba pang uri ng iguana.
Ayon sa Division Chief ng BENRO na si Beam Joseph Arada, ang nahuling berdeng iguana ay hindi bahagi ng local biodiversity.
“Sa tingin ko ay hindi part ng local biodiversity ‘yung nahuling iguana, kakaiba kasi ‘yung itsura niya, hindi common. Sa palagay ko ay alaga ito na nakatakas,” he said.
Nai-turn over na ang pambihirang berdeng iguana sa City Environment and Natural Resources Office sa Guiguinto, Bulacan bandang alas-2:00 ng hapon kamakailan.