Nagwagi ang isang high school dance team, Indayaw Dance Company, mula sa Taguig City bilang Grand Champion ng International Peace Youth Group (IPYG) Virtual Dance Competition for Peace sa huling deliberasyon na ginanap noong ika-7 ng Hulyo, 2022. Natanggap nila ang cash prize na ₱50,000 at plake sa Turnover Ceremony na ginanap noong ika-25 ng Hulyo sa HWPL Peace Room, Parañaque City Public Library.
Inorganisa ito ng IPYG sa pakikipagtulungan sa Rotary Club of Manila Metro. Ang kompetisyon ay
binuksan noong Marso 2022 para sa lahat ng grupo ng mga mananayaw na kabataang Pilipino sa lahat
ng genre.
Mayroong anim na finalist sa preliminary round na ginanap noong ika-1 ng Hulyo base sa deliberasyon
ng mga hurado at social media scores. Sa huling deliberasyon, ipinalabas ang mga pagtatanghal ng anim
na finalist mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Isa sa mahahalagang salik sa pagsusuri sa mga kalahok
ay ang kakayahang maiparating sa mga manonood ang papel ng kabataan sa pagpapalaganap ng kultura
ng kapayapaan.
Naging inspirasyon ng Indayaw sa pagtatanghal ang mga pandaigdigang isyu kamakailan tulad ng patuloy na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Nagsimula ang kanilang pagtatanghal sa isang batang babae na natulog nang balisa dahil sa mga napanood na balita tungkol sa digmaan. Sa pamamagitan ng sayaw, ipinakita nila ang kaguluhan, kahirapan at mga suliranin sa karapatang pantao—ang bangungot ng dalaga.
Sila rin ay bumigkas ng tula ukol sa kapayapaan sa kapayapaan at ipinakita ang 10 artikulo ng
Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW).
Sila rin ay nagtatanghal ng iba’t ibang uri ng sayaw tulad ng katutubo, moderno at sayaw sa pista.
“Bilang kauna-unahang kampyon ng IPYG Dance for Peace Virtual Competition, nangangako kaming
patuloy na isusulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng pakikinig, pagtulong at pagiging mabuti sa isa’t-isa.
Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng kapayapaan sa isipan ng bawat tao at ang mundong ito ay
mabubuhay nang mapayapa,” sabi ni G. Jason T. Digneneng, ang mentor ng Indayaw Dance Company.
Ang mga hurado ng patimpalak ay sina Coach Lowell Tan ng UST Sinag Ballroom Dance Company, World
of Dance Philippines Choreographer para sa DanceSport, at Core Member at Educator sa Philippine
Dance Sport Federation Academy; Lala Dinglasan, isang choreographer at mananayaw; KP Morales, isang
content creator at event graphic designer; at Genesis Uz Espina, isang content creator at dating
performer.
Kabilang sa mga finalist ang P-Squad Marawi na 1st Runner-up, Sining Timunato Dance and Theater
Collective bilang 2nd Runner-up, Tha’ BC Illest Vibe bilang 3rd Runner-up at Newbreedz bilang 4th
Runner-up.
Umantid sa puso ng mga hurado ang pagtatanghal ng P-Squad Marawi na alay sa mga sundalong nasawi
sa Marawi siege. Lumahok na rin ang grupo sa It’s Showtime; at nakakuha ng pinakamataas na marka
mula sa mga hurado sa weekly finals noong 2019.
Nilagdaan ng Indayaw Dance Company at P-Squad Marawi ang Memorandum of Understanding (MOU)
at IPYG Affiliation sa ginanap na Turnover Ceremony. Ang tatlo pang mga finalist ay pipirma pa lamang
para maging opisyal na peace messenger ng IPYG. Sa pamamagitan ng partnership, ang mga grupo ay
regular na magtatanghal sa pambansa at internasyonal na mga kaganapan ng IPYG at HWPL, at
magsasagawa ng ibat ibang aktibidad para isulong ang kapayapaan sa mga kabataan.
Bilang karagdagan, nagtanghal din ang guest performer na NEWSTYLE, isang Filipino Pop Rock boy band
na may apat na miyembro, ng kanilang debut single na Hanggang Sa Awit Na Lang; bilang intermission.