CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga- — ITINALAGA bilang bagong police regional director si PBGen Jose Hidalgo Jr. ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa ginanap na ceremonial turnover sa Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga nitong Miyerkules, Pebrero 22, 2023.
Ang pagsasalin sa tungkulin ay pinangasiwaan mismo ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. na isinagawa sa PRO3 PATROL Hall sa Kampo Olivas.
Pinalitan ni Hidalgo si PBGen Cesar Pasiwen na nagretiro sa hanay ng kapulisan.
Ang bagong Regional Director ay dati nang na-assign sa PRO3 bilang Battalion Commander, RPSB3 taong 2011 kung saan siya ay mainit na sinalubong ng tradisyunal na Arrival Honors ng PRO3 PNP personnel.
“I am elated to work with you, we shall align with the program thrust of our Chief PNP’s M+K+K=K (Malasakit+ Kaayusan + Kapayapaan =Kaunlaran.) We should continue to intensify our anti-criminality programs to surpass if not sustain the gains we already have as well as our continued efforts on anti-illegal drugs,” wika ni said.
Siya ay miyembro ng PNPA TAGAPAGKALINGA Class ’91 at NCRPO Deputy Regional Director for Administration bago itinalagang PRO3 Regional Director.
Naging hepe rin si Hidalgo ng Angeles City police sa Pampanga.