GRUPO NG SENIOR CITIZENS, DUMALO NG WORKSHOP SA PANDI

NAISAKATUPARAN din ang pagsa-sagawa ng ‘Planning Workshop’ ng mga Pangulo at Coordinators ng Senior Citizens, na pawang mga taga-Pandi, Bulacan, matapos ang nakalulumpong pandemya, kamakailan.

Ayon sa Pangulo ng FEDERATION OF SENIOR CITIZENS’ ASSOCIATIONS OF THE PHILIPPINES (FSCAP,) Pandi Chapter, G. Felimon Roque, “isinagawa natin ang ‘mid-year planning,’ para mai-plano ang gawain mula buwan ng July hanggang December at papasok na taong 2023. Iyun kasing una ay hindi tayo nakagawa ng ‘planning,’ gawa noong mahigpit pa ang panahon, dahil sa pandemya, hindi pa malaya.

Ngayon medyo malaya na ay pinagkalooban tayo ng pagkakataon. Ang plano natin ay para mai-klaro ang mga aktibidades na dapat nating gawin. After election kung ano ba yung isasagawa natin. Kasi mula sa provincial na ang naka-plano doon, mula November at December magkakaroon ng barangay election susunod ang municipal election up to provincial. Mai-plano natin at sabihan iyung mga Pangulo ng Senior Citizens ng bawat barangay. Kaya tayo narito ay para maitakda natin kung anong buwan natin ito gaganapin para maging maayos ang ating programa.”

Sa nasabing workshop ay dinaluhan ng humigit kumulang sa 35 katao, na pawang mga Pangulo at Coordinators ng nasabing grupo ng katandaan. Pinatnubayan din ng tanggapan ng Senior Citizens’ Affairs Office (OSCA,) Pandi, Bulacan, sa pangunguna ni Chairperson Gng. Eladia Raymundo, ang nasabing gawain sa pagpa-plano. 

Tsk! Tsk! Tsk! Ito ang magandang naisasagawa ng grupo ng mga katandaan. Ang FSCAP ay tuwirang kaagapay ng Pamahalaan, upang maiayos ang serbisyo at makatulong pa ng ganap sa buhay at galaw ng mga Senior Ctizens. Mabuhay ang FSCAP, Pandi chapter, ang OSCA, Pandi, at sa mga ‘attendees.’

Dalangin na muling makamit ang pagkilala

Sa Lungsod ng San Jose Del Monte, (LSJDM,) ay narito naman ang mga kaganapan, kung saan dumalo si Mayor Arthur Robes sa isinagawang Regional Assessment and Validation on the Implementation of Seal of Good Local Governance na ginanap sa ating City Convention Center.

Ang Seal of Good Local Governance ay isang paraan ng pagkilala ng Department of Interior and Local Government na kung saan ay pinaparangalan ng naturang ahensya ang mga siyudad, munisipalidad at probinsya na mayroong malinis at tapat na pamamahala. 

Para sa Mas Tapat na Pamahalaang Lungsod ng San Jose Del Monte, ang

ang LSJDM ay nakamit na ang nasabing pagkilala noong 2019. Ngayong taon ay muling naging kwalipikado ang nasabing lungsod, at hinihintay na lamang ang magiging desisyon ng DILG. Ang pagkilala na ito ay hindi madaling makamit pero ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose Del Monte ay matiyaga na sundin ang itinadhana ng DILG at makamit ito upang maipakita sa buong Pilipinas na ang LSJDM, ay may mga lider na matapat sa kanilang tungkulin at maaasahan sa kanilang ginagampanang trabaho. “Nagpapasalamat po ako sa mga validators na sumuri sa bawat opisina sa ating City Government,” wika ni Mayor Robes.

Tsk! Tsk! Tsk! Arya San Joseño!