Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alex Castro ang pamamahagi ng emergency cash assistance sa 5,496 na Bulakenyo sa isinagawang “Emergency Cash Transfer sa mga Biktima ng Bagyong Egay at Habagat” na ginanap sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center nitong Martes, Oktubre 24, 2023.
Umabot sa halagang P28,000,167 ang nasabing tulong pinansiyal mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at Kalihim ng Department of Social Welfare and Development Rex Gatchalian na ipinamahagi sa mga Bulakenyo mula sa mga Lungsod ng Malolos, Baliwag, Meycauayan, at San Jose Del Monte, at mga bayan ng Hagonoy, Paombong, Balagtas, Bocaue, Santa Maria, Calumpit, Pandi, Plaridel, Angat, DRT, Norzagaray, San Ildefonso, Obando, at San Miguel.
Nagpasalamat naman si Fernando kina PBBM at Gatchalian sa kanilang pagbibigay suporta at umaasang magagamit ito nang tama ng mga benepisyaryo.
Magpapatuloy ang Emergency Cash Transfer ngayong Huwebes, Oktubre 26, 2023.