FERNANDO AT CASTRO, TAMBALANG PINAGPALA

Kung pagtulong rin lang sa kapwa, at personal na pakikiramay sa mga nangangailangan at biktima ng anumang kalamidad ang paguusapan, ay hindi masusubukan itong samahan nila Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro, lagi silang nakaalalay at bukas ang kanilang mga palad sa pagbibigay ng ayuda.

Nitong nakaraang ilang araw ay pinangunahan ni Gov. Daniel Fernando ang pamamahagi ng regular at covid burial, medical at assistive device, self-employment, at tulong pinansyal para sa mga biktima ng sunog. Iba ang kilatis ng dalawang lider na ito, kaya patuloy ang agos ng suwerte sa Lalawigan ng Bulacan.

 

Kamakailan lang ay kinilala ang Lalawigan ng Bulacan bilang Number 1 Performing Province na may pinakamataas na nakolektang local revenues ayon sa memorandum ng Bureau of Local Government Finance (BGLF) (Department of Finance) nito lamang buwan ng Disyembre, 202. Ayon nga sa ilang nasabi ni Gov. Fernando sa kanyang ulat, “Sa kauna-unahang pagkakataon naging Numero Uno ang lalawigan sa aspeto ng Local Revenue Generation, sa kabila ng matinding krisis na pinagdaraanan ng lahat. Papuri sa ating Makapangyarihang Diyos na siyang gumabay sa ating pamamahala at nagbasbas sa ating pagtutulungan sa panahon ng pandemya. Nais ko pong ipahatid ang taos-pusong pasalamat sa ating mga Bulakenyo taxpayers sa kanilang pagiging responsable at mabuting mamamayan.”

Tsk! Tsk! Tsk! Kapag ang Pinuno ay masipag, may pagmamahal sa kapwa-tao, at higit sa lahat may takot sa Diyos, ang mamamayan ay kusang tutulong at ang biyaya ng Diyos, ang kasaganahan ay patuloy na dadaloy sa kapakinabangan ng lahat ng kanyang nasasakupan. Kaya sa pagiging matulungin nina Fernando at Castro, ang lalawigan ng Bulacan ay kinikilala ng lahat. Masasabi natin na ang kanilang tambalan ay pinagpala. Mabuhay kayo Gov. Fernando at VG Castro.

***

Patuloy po tayong nakatatanggap ng mga ulat, isa na rito ay nagmula sa isang ayaw magpakilalang relihiyosang babae, narito po: Tuwing darating ang translasyon ng mahal na Itim na Poong Nazareno sa buwan ng Enero, ay puspusan ang paghahanda ng ating mga Kapulisan at mga taong deboto. Dito makikita na talagang ang mga pilipino ay mga relihiyoso, na sa mismong araw ng translasyon, kahit gaano kahirap at siksikan ay hindi alintana ng mga deboto. Ang mga ito ay may kanya-kanyang kahilingan sa Poong Maykapal, tulad ng mga dinaranas nilang suliranin sa buhay, sa kalagayan ng kanilang kalusugan, at mga pasasalamat na kanilang nakakamit. At dahil na rin sa paniniwala na talaga namang may himala na nakakamtan sa mga hiling, dahil sa paniniwala kay Poong Nazareno.
 

Tsk! Tsk! Tsk! Tunay na Napakahiwaga ang Kapangyarihan ng Poong Nazareno. Kaya tuwing sumasapit ang kanyang panahon, ito ay espesyal na ipinagdiriwang ng mga debotong Katoliko. Amen! Hanggang sa muli!