UMABOT sa kabuuang 165,406 pamilya sa lalawigan ng Bulacan ang nakatanggap ng food pack assistance mula sa provincial government katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa Lungsod ng Malolos at lokal na pamahalaan ng bayan ng Bustos at San Miguel.
Ayon kay PSWDO head Rowena Joson-Tiongson, humigit-kumulang sa 55,000 pamilya sa bayan ng San Miguel ang nakatakdang tumanggap ng food pack assistance sa isasagawa nitong 8-day schedule ng pamamahagi kung saan ang mga barangay ng Sta Lucia, Baritan, Pinambaran, Cambio, Ilog Bulo at Bagong Silang ang una nang tumanggap ng ayuda sa buong araw ng distribution activity sa mismong Valentine’s Day, February 14, 2022.
Ang distribusyon ng nasabing ayuda sa lungsod at mga munisipalidad ay personal na inihatid ni Governor Daniel Fernando at Board Member Alex Castro katuwang ang mga police personnel, village officials at barangay volunteers gaya ng mga mother leaders, Lingkod Lingap sa Nayon (LLN), at Barangay Health Workers (BHW).
Sa nakaraang dalawang linggo ay unang nakatanggap ang bayan ng Bustos na mayroon 25,644 pamilya kasunod ang City of Malolos na mayroong 84,622 families habang 2,000 indigenous people o mga dumagat naman sa Dona Remedios Trinidad ang tumanggap ng ayudang 5 kilos bawat pamilya.
Ayon kay Fernando, ang nasabing rice and food pack assistance ay bahagi ng provincial government’s Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) pandemic response sa mga Bulakenyos.
“Tuloy-tuloy po ang pamamahagi ng ayuda at hindi po kami tumitigil buhat nang magsimula ang pandemiya noong 2020. Kami mismo ang bumababa at naghahatid sa mga barangay para ipadama sa taumbayan ang malasakit ng gobyerno,” ayon kay Fernando.