Nasa kabuuang 109 paaralan sa Bulacan ang nakatakdang simulan ang limited face to face classes sa darating na February 21 ngunit kinakailangang makatugon ang mga ito sa derektiba ni Bulacan Governor Daniel Fernando na dapat ay 100% fully vaccinated ang mga mag-aaral.
“Pinapayagan natin ang DepEd pero dapat 100% fully vaccinated ang mga estudyante pero kung hindi bakunado sorry, hindi po tayo papayag na ma-compromise ang mga magulang ng mga batang ito, kailangan pa ring mag-ingat. Walang F2F classes kung hindi bakunado ang mga bata,” Fernando said.
Patuloy ang panawagan ng gobernador sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kung saan siniguro nito na ang mga bakuna ay ligtas sa kanilang mga anak.
Nitong nakaraang Miyerkules ay sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa 200 mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang sa isinagawang Resbakuna Kids Launching sa Hiyas ng Bulacan Convention Center.
Sa naturang paglulunsad ay dumalo rito si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Sec. Carlito G. Galvez, Jr. at kasama sina Fernando ay binakunahan ng Pfizer vaccine ang mga bata ng may mas mababang dosage at concentration dahil ito ang may emergency use approval mula sa Philippines Food and Drug Administration (FDA) para sa mga batang pasok sa nabanggit na edad.
Ayon sa Bulacan DepEd’s figure, 63 paaralan ang nasa jurisdiction ng Bulacan Schools Division, 26 ay nasa City of San Jose del Monte Schools Division, 13 sa Malolos City Schools Division at 7 naman sa Meycauayan City Schools Division.
“The four Department of Education (DepEd) Schools Division Offices (SDOs) in Bulacan were given the clearance to proceed with the conduct of in-person classes in basic education through Executive Order No. 5, series 2022 issued by Gov. Fernando,” ayon kay Bulacan Schools Division Superintendent Zenia Mostoles.