DTI Diskwento Caravan binisita ang bayan ng Dingalan 

Binisita ng Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry ang Dingalan, Aurora. (DTI Aurora)

BALER, Aurora — Binisita ng Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Dingalan, Aurora.

 

Ito ay idinaos sa pamilihang bayan bilang pakikiisa sa ika-67 anibersaryo ng munisipalidad.

 

Ayon kay DTI Aurora Consumer Protection Head Pacita Bandilla, nasa 10 eksibitor ang nakibahagi na kinabibilangan ng mga maliliit na negosyo, retailer at supermarket.

 

Sila ay nagalok ng mula 10 hanggang 50 porsyentong diskwento sa mga pangunahing bilihin at lokal na produkto.

 

Layunin aniya ng Diskwento Caravan na magbigay ng oportunidad sa mga konsyumer na makabili ng kanilang mga pangangailangan sa abot-kayang presyo.

 

Nagbigay din ito ng pagkakataon para sa iba’t ibang mga mangangalakal na i-promote ang kanilang mga produkto, maabot ang mas malaking merkado, at mag-ambag sa pag-unlad ng komunidad.

SOURCE: Michael A. Taroma PIA3