Drug den binuwag, 8 arestado sa Bulacan

Camp General Alejo S Santos, City of Malolos — Isang drug den ang nadiskubre ng mga operatiba ng City of San Jose Del Monte Police Station na gad binuwag at nagresulta ng pagkakadakip ng walong drug suspects sa Barangay Bagong Buhay 1, CSJDM, Bulacan Huwebes ng hapon.
 
Kinilala ni Bulacan Police Provincial Office (PPO) director Col. Relly Arnedo ang inarestong mga suspek na si Orlando Briones, 42; Mark Christian Calipayan, 35; John Mico Aguilos, 18; Neptune Anuevo, 40; Jeffrey Ducoy, 24; Aira Kenneiker, 20; Raiza Canonigo, 22 and Rowena Evite, 51, all from CSJDM and Norzagaray.
 
Nabatid na nagsagawa ng buy bust operation ang CSJDM Police Station sa Area B, Purok 7, Barangay. Bagong Buhay 1 na nagresulta sa pagkakaaresto nina Briones and Calipayan at pagkakabuwag ng ‘drug den’.
 
Sa isinagawang follow up operation ay nadiskubre ang drug den kung saan nagsasagawa ng pot session ang anim pang mga suspek na kasamang inaresto.
 
Kaugnay nito, walo pang mga drug suspek ang nadakip ng Bulacan Police sa Barangay Bagong Barrio, Pandi at sa Caingin, Bocaue.