LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan(PIA)- Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maisulong na magingHuman Resource Capital ng bansa ang lungsod ng San Jose Del Monte.
Patunay dito pagdadaos ng Labor Day 2024 Mega Jobs Fair sa SM City San Jose Del Monte sabarangay Tungkong Mangga na nagbukas ng nasa7,034 na mga bagong trabaho.
Ayon kay DOLE-Bulacan Provincial Director May Lynn Gozun, malaking tulong para sa mgamanggagawa kung magiging ganap ang titulong‘Human Resource Capital’ ng lungsod.
Matitiyak aniya nito ang karagdagang mgaoportunidad sa trabaho dahil mailalagay sa ‘radar screen’ ng mga mamumuhunan ang mga tagaritona maiprayoridad sa mga kukuhaning lakaspaggawa.
Kaakibat nito ang pagkakaroon ng mainam napagkakataon upang ang nasabing mgamanggagawa na taga San Jose Del Monte, ay makapagpaaral ng kani-kanilang mga anak sapaaralan. Ito naman ang magtitiyak na magigingtuluy-tuloy pagkakaroon ng dedikado, produktiboat mataas na kalidad ng lakas-paggawa.
Sa pahayag ni Public Employment Service Office (PESO)- San Jose Del Monte Manager Perfecto Jaime Tagalog, pangunahing haligi at saligan ng pagiging isang ‘Human Resource Capital’ angpagkakatamo ng 100% employability ng mga taga-San Jose Del Monte na sumailalim sa iba’t ibangtraining for work ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Patunay dito ang pagkakaparangal sa PESO ng San Jose Del Monte ng 2023 Kabalikat Award mula saTESDA. Isa itong pagkilala na naging epektibo sapagpapatupad ng mga programa ng TESDA upanghasain hanggang maipasok sa trabaho ang isangbenepisyaryo.
Ginawaran rin ng Civil Service Commission (CSC) noong 2023 ang PESO nitong lungsod ng Pag-AsaRegional Award dahil sa mahusay na pagtugon namailapit sa karaniwang mga taga-San Jose Del Monte ang bawat programang pantrabaho gaya ng jobs fair, ronda trabaho, pre-employment orientation seminar at special recruitment activity.
Ang San Jose Del Monte ay tahanan ng halos 700 libong mga Bulakenyo at maging ng mga tagaMetro Manila. Kasama na rito ang 70 libongmanggagawang lalaki at nasa 80 libong babaengmanggagawa. Sila’y pawang naninirahan sa 40 relocation sites at mahigit 150 na residential subdivisions sa lungsod.
Kaugnay nito, iniulat din ni Gozun na may halagang P36 milyon ng iba’t ibang livelihood packages sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) ang ibababa sa Bulacan ngayongAraw ng Paggawa o Labor Day.
Iba pa rito ang pagpapasahod sa 40 kabataan nanaging benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP).
Samantala, 22 mga indibidwal na lumahok sa isapang Jobs Fair ng Bulacan PESO sa SM City Marilaoang naging HOTS o Hired On The Spot. Kabilangsila sa mga agad na pinalad mula sa 3,614 na mgainialok na lokal na trabaho ng 41 na mgaemployers.