Bulacan, PHO-PH, naglunsad ng pinagsanib na inisyatiba laban sa banta ng HPV sa Bulacan

HPV-FREE BULACAN.Bulacan Governor Daniel R. Fernando with a student who receives her Human Papillomavirus (HPV) Vaccine from Department of Health Bulacan Designated Medical Officer IV Melody Santos and Provincial Public Health Office Registered Nurse Bonn Buzz Cabantog during the Bulacan HPV Vaccination Launching coinciding the Briefing on the Implementation of the Province-wide Flood Control and River Restoration Program at Isla Ballroom 3 Tower Wing, EDSA Shangri-La Manila, Mandaluyong on April 29, 2024. Joining the governor are Vice Gov. Alexis C. Castro, (from left) MSD Philippines Advocacy Partner for Cervical Cancer Awareness Access Program Team Manager Ana De Jesus, Department of Health Bulacan Team Leader Dr. Emily V. Paulino, PHO-PH Head Edwin Tecson, some mayors and Provincial Administrator Antonia Constantino. Photo by: FREDERICK SILVERIO

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng patuloy na pangako ni Gob. Daniel R. Fernando sa kalusugan at kagalingan ng publiko, nagdaos ang Department of Health kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office – Public Health ng Bulacan HPV Vaccination Launching sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito kamakailan.

Pinaniniwalaang mas epektibo ang bakuna sa murang edad, mamamahagi ng HPV vaccine ang PHO-PH katuwang ang mga lokal na pamahalaan at Barangay Health Workers sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan na may edad na 9-14 taon upang mabawasan ang 90% na panganib ng cervical cancers, 95% na panganib sa lahat ng mga kanser na may kaugnayan sa HPV sa mga kalalakihan, at 90% na panganib ng genital warts.

Ang hakbang na ito ay tugon sa nakababahalang dami ng mga kaso ng kanser na may kaugnayan sa HPV, na kasalukuyang pangalawa sa pinaka karaniwang sakit na kanser pakatapos ng breast cancer.

Sa kanyang mensahe na ipinaabot ng kanyang Chief of Staff na si Abgd. Nikki Manuel S. Coronel, sinabi ni Fernando na patuloy siyang mananalangin para sa tagumpay ng kasalukuyang pagbabakuna na magbubukas ng daan sa marami pang interbensyon sa kalusugan para sa kaligtasan ng mga Bulakenyo.

“Tayo po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay laging nakahanda sa pagtugon sa mga hamon ng kalusugan mula noon hanggang sa ngayon. Patuloy po ang ating pagsisikap sa pagtataguyod ng maganda at masiglang pamayanan para sa bawat Bulakenyo na siyang nagpapatatag sa atin bilang isang lalawigan,” ani Fernando.

Kasalukuyan nang ginaganap ang pamamahagi ng bakuna ng HPV sa mga bata sa mga pampublikong paaralan sa buong lalawigan.