Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ay umabot sa 10,648 trabaho ang binuksan para sa mga job seekers sa ginanap na simultaneous job fair sa SM malls sa Bulacan nitong Miyerkules, May 1, 2024.
Dinagsa ng mga job seekers ang SM City Marilao na naghandog ng 3,614 job openings mula sa iba’t-ibang kumpanya sa probinsiya.
Nasa 7,034 job openings naman ang sa SM City San Jose Del Monte sa Barang Tungkong-Mangga.
Ang nasabing job fair ay inorganisa sa pakikipagtulingan ng Department of Labor and Employment Region III (DOLE-R3) kasama ang Provincial Public Employment Service Office (PESO) at sa City at Municipal PESO unit sa Marilao at CSJDM katuwang ang Local Government Unit dito kung saan nakapaglikha ng 10,648 trabaho.
“Committed to connecting jobseekers in the community with career opportunities, SM Supermalls and partner government agencies bring companies together in one venue, showcasing a diverse range of industries, career fields, and salary levels,” wika ni Nica Cunan, SM Marilao public relation officer.
Nasa 41 local companies ang lumahok sa job fair sa SM Marilao habang 43 companies/ agencies sa SM CSJDM.
Nabatid na umabot naman sa 57 aplikante ang Hired-On-The-Spot.
Ayon kay SM City Marilao Mall Manager Emmanuel Gatmaitan, ang public-private partnership sa pagitan ng SM at government agencies, tulad ng mga events gaya ng job fairs ay makakabuo ng opportunities for growth.
“At SM, we believe in fostering thriving communities where everyone
can flourish. When jobs are created in our cities and towns, everyone benefits,” ani Gatmaitan.
Bukod sa mga alok na trabaho ay naroon din ang mga ahensiya ng SSS, PhilHealth, PhilSys, and Pag-IBIG membership para sa One-Stop-Shop.
Ang naturang job fair ay isa sa maraming paraan ng SM Supermalls para maka-ambag sa nation-building program ng pamahalaan para sumuporta sa National and Local Government’s initiative para maghatid ng trabaho sa bawat Filipino.
Samantala, suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maisulong na magingHuman Resource Capital ng bansa ang lungsod ng San Jose Del Monte.
Ayon kay DOLE-Bulacan Provincial Director May Lynn Gozun, malaking tulong para sa mgamanggagawa kung magiging ganap ang titulong‘Human Resource Capital’ ng lungsod.