Dahil sa imbitasyon ng isang kaibigang Radio reporter, upang makilala ng personal ang may-ari ng isang Ospital sa Lalawigan ng Bulacan, at kasalukuyang Konsehal (naka-isang termino) sa ‘district 1,’ ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, ay nagawa nating makapanayam ang pamosong Doktora ng Bayan na si Dra. Rosalyn Cabe Cabuco, 60 yo, single.
Si Dra. Cabuco ay muling tumatakbong Konsehal sa LSJDM, sa ikalawang pagkakataon. Ang muling pagsuong niya sa pulitika ay dahil na rin sa panghihikayat ni Mayor Arthur Robes, ng nasabing Lungsod, upang ganap na makapaglingkod pa sa Sambayanan, at maibahagi ang kanyang kaalaman sa medisina. Tunay na kailangan ng pamilyang San Josenios ang karunungan at kabutihan ni Dra. Cabuco.
Ayon sa kanya, “sa pagtakbo kong muli, sa aking pagbaba at pagtulong ay nakita kong maraming nangangailangan. Ang unang pangangailangan dito sa LSJDM ay ‘regarding’ po sa ‘Health.’ Iyung pagbigay ng ‘maintenance’ ng gamot, mula pa ng naupo ako ay nagbibigay na kami para sa ‘high blood, diabetis at ashma.’ Iyun po kasing mga sakit na nakatira na sa katawan, hindi katulad ng dumadalaw lang na ubo’t sipon.”
“Noong bago mag-pandemya, kauna-unahang buwan ng ‘term’ ko bilang konsehal, ay meron po ako ‘roving medical aid’ (tricycle) na dumadalaw sa mga may sakit. Kauna-unahan sa nasabing Lungsod. Sa nasabing ‘Roving Medical Aid’ ay may kasamang Doctor, nurse, BHW, Caregiver at driver, iyun ang lumalakad ‘before Pandemic.’ Nang nagkaron ng ‘Pandemic’ ay na ‘stop’ dahil may pangamba, baka iyung mga ‘staffs’ ko ay mahawa. Pero may naging solusyon po ako, para makarating iyung mga ‘maintenance’ kong mga gamot para sa mga sakit na nabanggit ko. Nakiusap po ako sa Barangay, Mother leaders, LLN at BHW, kahit na ‘pandemic,’ sila po ang lumalakad at bumababa sa kani-kanilang barangay. Sila ang mga tumutulong sa ‘constituents’ ng barangay. Kaya pinulong ko po sila at kinausap, sinabi na kung pwede nila akong tulungan,” sa patuloy na pagsasalita ni Dr. Cabuco.
Sa pagpapatuloy na tanong kung ano ang magagawa niya sa kalagayan ng mga Senior Citizens, PWD at LGBT? Ayon pa rin sa kanya, “Sa ‘senior citizens’ ay naumpisahan ko na pong magbigay ng ‘maintenance’ nila, ang aking ‘dream’ ay makapagpatayo ng ‘senior citizens hospital.’ Kung may iba pang problema ay mailalapit at magiging tulay nila ako kila Mayor Robes, Congresswoman Ate Rida at PCSO. Sa PWD, makagawa ako ng isang ordinansa para sa kanilang ‘Rehabilitation Center.’ Sa LGBT, ‘before my term’ may isang ordinansa na dating nai-‘file’ ni Kon. Richie Robes, ito ang ‘anti-discrimination.’ Ngayon naaprobahan na. Bumubuo pa rin kami ng mga ‘amendments’ para maiakma pabor para sa mga LGBT.”
Tsk! Tsk! Tsk! Ang galing ni Dra, Cabuco, suwerte talaga ng mga San Josenios! Ito pa ang sinabi niya hinggil sa liderato ng mga Robes at iba pa. “kila Mayor Robes at Congw Ate Rida, sa ‘doble aksyon’ po nila ay talagang ramdam ng taong bayan na ‘they are really working,’ at hindi upang mangurakot. Maipagmamalaki natin na ang ating Mayor, lahat po kami na ‘elected officers’ ng ating lungsod, ay walang utang sa dami na naitayo na ‘buildings,’ eskuwelahan, ‘Daycare Centers.’ Iyung ‘City College’ sa adbokasiya ng ating Mayor, ay nagawa po iyun sa tulong ni Ate Cong Rida Robes, wala pong naging utang ang ating siyudad. Ang binabayaran sa kasalukuyan ng ating ‘executive’ ay iyun mga utang ng mga nakaraan. Sa ngayon po ay maipagmamalaki ko ang aming Mayor, hindi dahil sa magkakampi, kita po ng aking dalawang mata kung gaano kagaling at nahihipo ang taumbayan. Kaya saludo po ako sa aming Mayor, kay Cong. Ate Rida at sa mga kasamahan kong Konsehal at kay Vice Mayor.”