MANILA, Philippines — Ipinahayag kahapon (Linggo) ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagpositibo siya sa COVID-19.
“I have Covid. Tested positive Thursday,” pahayag ni Remulla sa mga mamamahayag.
Ayon kay Remulla, tanging mild symptoms ng COVID-19 ang nararamdaman nito.
Samantala, ayon kay Jose Dominic Clavano, ang lawyer na naka-assign sa Office of the DOJ Secretary, na si Remulla “is okay already,” kung saan dagdag nito na work from home ngayon si Justice Secretary habang naka-quarantine.
Si Remulla ay nagpositibo makaraan ang ilang araw nang magpositibo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa COVID-19 nitong nakaraang July 8.
Tiniyak ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nasa maayos na ngayon ang kondisyon ng pangulo.
Aniya, si Pangulong BBM ay mild symptoms lamang, ”no fever, no loss of taste and smell sensation”.