DISIPLINAHIN ANG SARILI SA PAGHAWAK AT PAGGASTOS NG PERA

Katropa,  ang taas na naman ng presyo ng bigas, iyung 25 kilos na dati ay P1,100, ngayon ay nagkakahalaga ng P1,320, at iyung dating presyong P800 ay P1,000 na (habang isinusulat ito.) Ito ay reaksyon ng isang mambabasa natin mula katimugan ng Pilipinas. Kaalinsabay pa nito ang muling pagtaas ng halaga ng krudo, presyo ng gasoline tumataas na naman.

Tsk! Tsk! Tsk! Pagtaas ng halaga ng bilihin sa merkado, ang inflation,’ at kung anu-ano pa, ay walang ligtas sa mga puna, sumbong at tanong ng Sambayanan. Ang ating pamahalaan, ay halos ginagawa na rin ang lahat ng solusyon, upang mabigyan ng kaginhawahan ang buhay ng lahat. Subalit ang kabigatan ng mga suliraning dumarating sa buhay ng kanyang nasasakupan minsa’y hindi na rin kayang pigilin.

Alalahanain natin na ang Pilipinas ay isang bansa na lubos na umaasa sa importasyon pagdating sa langis at gas. Ang mga presyo ng mga ito ay lubhang apektado ng internasyonal na merkado. Sa nakalipas na ilang buwan, nagkaroon ng tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng gas sa Pilipinas at medyo malaki ang epekto nito sa mga mamimiling Pilipino.

 

Habang tumataas ang demand para sa isang partikular na produkto o serbisyo, bumababa ang available na supply. Kapag mas kaunting mga bagay ang magagamit, ang mga mamimili ay handang magbayad ng higit pa upang makuha ang mga bagay na nais nila, tulad ng nakabalangkas sa prinsipyong pang-ekonomiya ng supply at demand. Ang resulta ay mas mataas na presyo dahil sa demand-pull inflation.

  
Ang patuloy na paghihigpit sa supply ng mga pangunahing pagkain, ang potensyal na epekto ng El Niño sa mga presyo ng pagkain at kuryente, at ang mga epekto ng posibleng karagdagang pagtaas sa mga pamasahe sa transportasyon at pinakamababang sahod ay maaaring maging sanhi ng inflation na lumampas sa pinakabagong mga pagtataya para sa 2023 at 2024
  

Hindi lamang ang galaw sa pamilihang pandaigdig ang dahilan ng pagtaaaas ng mga presyo ng bilihin, kundi maging ang naidudulot at sanhi ng kalikasan.

Narito ang ilang paraan na dapat gawin, upang labanan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at gasolina.

 

Kumain sa bahay, imbes na sa isang restoran, kung may bibilhin sa groserya ay bilhin lamang ang siyang kailangan, Ang pangungumbida sa bahay para sa isang marangyang salu-salo ay iwasan muna. Kung maaari ay magtipid, umiwas sa tukso ng walang kapararakang gastos. Disiplinahin ang sarili sa paghawak ng pera, at huwag maging mapusok sa paggasta. Sana ay makatulong ito.

Salamat kay Aling Nora mula sa Zamboanga City, sa pagpapadala ng kanyang reaksyon sa pagtaas ng presyo ng bigas. Dito mandin sa Luzon ay ganyan din ang problemang kinahahahrap naming lahat. Hanggang sa muli.