Isang makabuluhang programa ang inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na naglalayong paigtingin ang kampanya laban sa droga sa ginanap na opening ceremony ng BIDA “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program na ginanap sa Bulacan Sports Complex, City of Malolos nitong Linggo.
Mahigit sa isang-libong Bulakenyo ang lumahok sa akktibidad na mayroong temang “BIDA B.I.K.E.R.S. Bawal na Gamot ay Iwasan, Magandang Kalusugan, Ehersisyo ay Responsibildad ko” kung saan ay 21-kilometro ang tatakbuhin ng mga participants.
Ang nasabing programa ay sa pakikipagtulungan ng “Kapitolyo For Life” program ng provincial government sa pamumuno nina Governor Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis Castro.
Bandang alas-5:00 ng umaga ay dumagsa na sa venue ang mga lumahok na bikers na sumama rin sa zumba dance bago sinimulan ang programa.
Ang BIDA Program ay isang multisectoral campaign na layuning mabawasan ang drug demand sa komunidad na nangangahulugan ng isang sama-samang pangako na tugunan ang hamong ito sa kabuuan
Ayon kay Sec. Abalos, ang droga ang pinaka seryosong problema sa buong mundo kung saan sa Pilipinas ang lahat aniya nang nakukulong at nasasampahan ng kaso sa korte ay 60-70% ay drug related.
“Ang matindi yun nakalaya na mula sa sintensiya, ang bumabalik sa kulungan ay almost 30%. Yan ang nakalatag na problema sa atin,” wika ni Abalos.
“It is a whole of government approach, a whole of the nation approach and this is a Filipino way,”aniya pa.
Mayroon umanong tatlong kapapamaraanan upang manalo ang kampanya laban sa ilegal na droga una na ay ang family oriented, at pangalawa ang concept of “Bayanihan” at ang huli ay ang pagiging maka-Diyos ng Pilipino.
“We will do it the Filipino way na magkakatulungan tayo, because this is a fight to find opportunities, itoy laban para sa mga anak natin dahil walang magulang na gusto nilang maging adik ang mga anak nila,” pahayag ni Abalos.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Gov. Fernando na sa tulong ng BIDA program ay hinihikayat nito ang mga Bulakenyo na maging parte ng solusyon sa problemang panlipunan gaya ng ilegal na droga at iba pang he encouraged
the Bulakenyos to be part of solution to the social problem such as illegal drugs and other health hazards.
“Hinihikayat ko kayong lahat na maging bukas sa mga oportunidad na itaguyod ang BIDA Program. Life is a journey and not a race,” wika ng gobernador.
Sinabi naman ni Vice Gov. Castro na ang BIDA launching sa Bulacan ay panawagan na ipagpatuloy ang ganitong gawain para maging bahagi ng pagbabago ng lipunan na kampanya para palakasin ang kalusugan ng isip at katawan.
Kabilang sa mga opisyal na nakadalo sa BIDA B.I.K.E.R.S. launching ay sina Undersecretary for Plans, Public Affairs and Communication Usec. Margarita Gutierrez, Cong. Danny Domingo ng First District, Cong. Salvador Pleyto ng Sixth District, Mayor Christian Natividad ng City of Malolos, Board Members Allan Andan at Mina Fermin ng First District, Teta Mendoza ng Fifth District, Police Regional Office 3 director BGen. Jose Hidalgo Jr., Bulacan Police Provincial Office director Col. Relly Arnedo, Bulacan BFP Provincial Fire Marshal Supt. Janeth Jusayan, and Provincial Adminsitrator Antonette Constantino.