Ikaw ba ay isang Magulang? Nababantayan mo ba ang ginagawa ng iyong anak? At nararamdaman mo rin ba ang kanilang damdamin? Marami tayong nababalitaang mga problemang kinakaharap ng mga bata, ilan dito ay ang balaking pagpapatiwakal, ang paglalayas at ang paglayo ng damdamin sa kanyang mga magulang.
Narito ang ibinahagi ni GCounsellor Mel, Guidance Counselling Dep’t ng isang Paaralan, ang kanyang kaalaman, na maaaring maging gabay ng sinumang magulang at anak, please read: “Malaki ang responsibilidad ng pagiging magulang sa pagpapalaki ng isang anak. Ito ay hindi lang basta dinala sa sinapupunan ng isang Ina, isinilang at pinalaki na dapat ang pagaalaga at pagmamahal ay walang katapusan. Hindi lamang sa pangkalusugang pangangatawan, kaisipan kundi maging pang-ispirituwal.
Ito ay nasabi ko dahil sa aking mga nakakasalamuha, hindi lamang mga magulang kundi pati na din mga kabataan o mga mag-aaral, na kung minsan ang bata ang nagiging biktima ng stress, anxiety hanggang sa depression. Ang mga magulang ay isang contributing factor ay dinaranas ng kanilang anak.
Nakakalungkot lang dahil ang mga magulang ang silang dapat ang naging comforter, at kakampi. Nang dahil sa sobrang pagiging istrikto, hindi pagtanggap sa mga paliwanag at pakinggan ang mga problema ng kanilang mga anak, hindi nila alam na dumaranas na pala ng depression ang anak.
Feeling rejected ang anak sa kanyang family, hanggang sa makaisip ito na umiwas o takasan ang nararamdaman. Doon naiisip ang minsan pagpapatiwakal o paglayo sa pamilya. Dahil sa kalituhan na dapat ang mga magulang ang kanyang kakampi at sandalan sa anumang suliranin.
Kaya sana kumustahin natin ng lagian ang ating mga anak, kahit gaano man tayo ka busy dahil ito ay obligasyon natin bilang mga magulang. Mas maganda maging open ang bawat member of the family, iparamdam ang pagmamahal at respeto sa bawat-isa, pakinggan ang mga suggestions. Isama natin sila sa mga plano, magkaroon ng closeness sa mga supling, dahil dito maiiwasan ang pagkalito ng ating mga anak.
At sa mga kabataang nakakaranas ng ganito, huwag maglihim sa mga magulang maging bukas ang communication at maging positive or negative man ito tiyak maintindihan kayo ng inyong mga magulang. Walang ibang tutulong sa inyo kundi ang inyong mga magulang. Tandaan na ang unang nasasaktan sa mga failures ng anak ay ang mga magulang, dahil never na mangarap sa kanilang mga anak ang mga magulang ng hindi maganda. Lahat ng kabutihan para sa mga anak ay dreams ng bawat mga magulang, Kung kayo man ay mapagalitan, take it as a positive challenge, dahil ayaw nila na maging mali ang mga decisions ng isang anak sa buhay. They always wanted na ang kanilang anak ay maging isang mabuting tao or a perfect one. Ito ay pagbabahagi lamang para sa ating lahat bilang mga magulang.”
Tsk! Tsk! Tsk! Salamat kay GC Mel. Hanggang sa Muli.