CONGRATULATORY ACT

CONGRATULATORY ACT 2023 Bulacan

IPINAGKALOOB nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis Castro kasama si Bokal Cezar Mendoza ang plake na naglalaman ng kopya ng Resolusyon Blg. 309-T’2022 kay PS/SUPT. Ferdinand Torres Navarro na nagsasaad ng “Isang kapasiyahan na nagpapaabot ng mataas na pagkilala at pagbati ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ng Punong Lalawigan, Igg. Daniel R. Fernando at ng bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ng Pangalawang Punong Lalawigan, Igg. Alexis C. Castro, kay PS/Supt. Ferdinand Torres Navarro sa kanyang pagkakatalaga bilang Police Brigadier General (PBGEN) ng Philippine National Police (PNP) Regional Internal Affairs Service (AIS)” sa ginanap na lingguhang pagtataas ng watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Bago ito, nauna na siyang itinalaga bilang Direktor ng Regional Internal Affairs Service noong Pebrero 22, 2022.