
Nagtungo si Congressman Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., kasama ang kaniyang mga staff at ang Red Pillars Foundation, sa site ng retrieval operations sa gumuhong gusali sa Balibago, Angeles City para maghatid ng pagkain sa mga miyembro ng retrieval operations team noong Martes.
Habang nandoon ay kinausap din ni Cong Pogi ang mga kaanak ng mga biktima upang personal na ipaabot ang kaniyang pakikiramay sa kanila.
Matatandaan na una nang sinabi ni Cong Pogi na ang kaniyang opisina ay magpapaabot ng tulong pinansiyal para sa pamilya ng mga biktima.
Kasama din ni Cong Pogi si Chief Political Affairs Officer Reina Manuel sa kaniyang pagbisita sa site.





