CIBAC Multi Purpose Hall pinasinayahan sa Pandi

Pinasinayahan ng Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party List ang pang-walong Multi Purpose Hall sa bayan ng Pandi, Bulacan na matatagpuan sa Barangay Siling Bata. Ang ribbon-cutting ceremony ay pinangunahan nina (mula kaliwa) Bulacan 5th District Congressman Boy Cruz, Cong. Domeng Rivera of Cibac Party Lis, Siling Bata village chief Renato Esteban at Pandi Mayor Rico Roque na ginanap nitong Lunes,  October 24, 2022. Photo by: ERICK SILVERIO
PORMAL nang pinasinayahan ng Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party List ang ika-walong Multi Purpose Building na matatagpuan sa Barangay Siling Bata, Pandi, Bulacan nitong Lunes Monday, October 24, 2022.
 
Pinangunahan ni former CIBAC party list Cong. Domingo Rivera bilang kinatawan ni Cong. Bro. Eddie Villanueva at Pandi Mayor Enrico Roque ang ribbon cutting ceremony ng naturang gusali kasama ang iba pang lokal na opisyal gaya nina 5th District Cong. Boy Cruz,  Vice Mayor Lui Sebastian, Siling Bata Barangay Captain Renato Esteban at mga konsehales ng Sangguniang Bayan.
 
Kasabay ng nasabing pasinaya ay ang distribusyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) payout ng Department Of Labor and Employment (DOLE).
 
Nasa 620 TUPAD beneficiaries ang tumanggap ng P5,000 cash bawat isa habang ang susunod na batch schedule ng pamamahagi sa kasunod na 620 Pandienyos ay sa susunod na buwan ng Nobyembre.
 
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Cong. Rivera na gusto niya na malagyan ang lahat ng barangay ng multi purpose hall sa bayan ng Pandi.
 
Pinasalamatan naman ni Mayor Roque ang CIBAC party list sa pangunguna ni party president Senator Joel Villanueva at Cong. Bro. Eddie Villanueva sa kanilang suporta upang magkaroon ng multi purpose hall sa nasabing bayan.
 
Nabatid na ito na ang ika-walong gusali ng CIBAC party list sa bayan ng Pandi.
 
Ang iba pang multi purpose hall ay matatagpuan sa Barangay Bunsuran 1st, Poblacion, Cacarong Bata, Bagong Barrio, Cacarong Matanda, Real De Cacarong at Bunsuran 3rd.
 
“Ang mga tanggapang ito ay katuparan ng aming pangarap na malaki ang magiging ambag sa komunidad a maging sa pamahalaang lokal para maitaguyod  ang mga programa ng pamahalaan tungo sa produktibong pamamahala at progreso ng bayan ng Pandi,” ayon kay Roque.
 
Pinangasiwaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineering Office ang pagpapagawa ng nasabing gusali.