Castro inihalal bilang Regional Chairman for CL ng League of Vice Governors of the Philippines

PRIDE OF BULACAN– Vice Governor Alex Castro halal bilang Regional Chairman sa Central Luzon ng League of Vice Governors of the Philippines.

MAGING sa Gitnang Luzon ay pinagkatiwalaan at sinuportahan si Bulacan Vice Governor Alex Castro makaraang ihalal bilang Regional Chairman sa Central Luzon ng Vice Governors League of the Philippines sa ginanap na 88th National Assembly and Election of Officers sa Sofitel Philippine Plaza Manila, CCP Complex, Roxas Blvd., Pasay City nitong Miyerkules, July 13, 2022.

Halal din bilang National Preident si Vice Governor Atty. Karen Agapay ng Laguna. Si VGov  Alex Castro ang siyang magrerepresinta para sa 7 lalawigan sa Central Luzon kasama ang mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga at Tarlac.

“Im very Thankful for this opportunity kahit bagong vice governor palang tayo pinagkatiwalaan tayo ng mga kapwa natin mga bise gobernador sa Central luzon upang kanilang maging Regional Chairman. Maipapakita natin ang liderato ng isang Bulekenyo sa buong rehiyon. Salamat po!,” pagbati ni Castro.