
Personal na binisita nina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro ang mga relocatees sa bayan ng Balagtas, Bulacan para sa simpleng kamustahan at kuwentuhan.

Bukod sa kamustahan at kuwentuhan ay namahagi rin ng food packs sina Fernando at Castro katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Rowena Tiongson.
Ito umano ay paraan ng paglapit sa tao at pagbibigay ng tulong at pag-asa mula sa pamahalaang panlalawigan kahit hindi eleksyon.





