Bulacan officials nanumpa sa isinagawang mass oath-taking

Si Governor Daniel Fernando kasama ang buong pamilya matapos pormal na manumpa kay Exec. Judge Olivia Samar sa ginanap na “Pasinaya at Pagtatalaga sa Tungkulin” nitong Lunes (June 27, 2022) sa Capitol’s Gymnasium, Malolos City. Kuha ni: ERICK SILVERIO
NASA kabuuang 265 na halal na opisyal sa buong lalawigan ng Bulacan ang pormal at sabayang nanumpa sa isinagawang “Pasinaya at Pagtatalaga sa Tungkulin” na ginanap sa Provincial Capitol’s Gymnasium sa Lungsod ng Malolos nitong Lunes ng umaga (June 27, 2022).
 
Ang mga nagsipanumpang bagong halal sa nakaraang 2022 elections ay pinangunahan ni re-elected at ika-35 punong lalawigan Governor Daniel Fernando at Vice Governor-elect Alexis Castro.
 
Sa panimula ng programa ay isa munang Banal na Misa  ang naganap kung saan nasa 55 na pari mula sa 21 bayan at 3 lungsod na Kura Paroko ang dumalo sa pangunguna ni Bishop Dennis Villarojo ng Malolos Diocese.
 
Ang buong kaparian ng lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Bishop Dennis Villarojo ng Malolos Doicese na siyang nangasiwa sa Banal na Misa. Kuha ni: ERICK SILVERIO
 
Si Fernando at Castro ay pormal na nanumpa kay Bulacan Regional Trial Court Executive Judge Olivia Samar na sinaksihan ng kanilang mga pamilya at ng mga Bulakenyo.
 
“Ang araw na ito ay kasamang naitala sa kasaysayan, ang simula ng bagong bukang liwayway ng paglilingkod sa lalawigan ng Bulacan,” ayon kay former governor Roberto Pagdangan na siyang panauhing tagapagsalita.
 
Nagpaabot ng kaniyang lubos na pasasalamat si Fernando una sa Panginoon at sa halos isang milyong bumoto sa kaniya at nagtiwala sa nagdaang halalan.
 
“Wala tayong kapangyarihan sa ating mga sarili, maliban sa tiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating mga kababayan. Palitan natin ng serbisyo publiko ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa atin,” wika ng gobernador.
 
Bahagi rin ng kaniyang mensahe, binanggit ni Fernando na bibigyan niya ng puwang at suporta ang bawat adhikain ng bagong halal na pinuno ng bansa na si Pangulong Ferdinand ” Bongbong” Marcos Jr. gaya ng pagpapalakas ng ageikultura at ang programa nitong “built, built more”.
 
“Ang kahulugan ng panunumpa bilang lingkod bayan ay katulad ng pagpapakasal, we are the groom and the people are the bride na paglilingkuran sa hirap at ginhawa na walang pag-iimbot at lingkod na may takot sa Diyos,” wika ni Fernando.
 
Sa mensahe naman ni Vice gov. Castro, sinabi nito: “I am grateful to the lord having a great leader like Gov. Fernando na unang nagtiwala sa kakayahan ko at sumuporta sa akin”.
 
Kabilang sa mga nanumpang opisyales ay ang mga Kinatawan ng Distrito na sina Cong. Danilo Domingo ng First District,  Cong. Lorna Silverio ng Third District, Cong. Linabelle Ruth Villarica ng Fourth District, Cong. Ambrosio Cruz Jr. ng Fifth District at Cong. Ador Pleyto ng Sixth District na una nang nakapanumpa sa tanggapan ng gobernador.
 
Ang mga nanumpang Kinatawan sa Mababang Kapulongan: Cong. Danny Domingo ng 1st District, Cong. Lorna Silverio ng 3rd District, Cong. Linabelle Ruth Villarica ng 4th District at Cong. Boy Cruz ng 5th District. Kuha ni: ERICK SILVERIO
 
Ang mga nanumpang kakatawan ng Sangguniang Panlalawigan ay sina Board Member Allan Andan at Mina Fermin ng First District, Board Member Pechay Dela Criz at Dingdong Nicolas ng Second District, Board Member Nono Castro at Aye Mariano ng Third District, Board Member Jonjon Delos Santos at Allen Baluyut ng Fourth District, Board Member Ricky Roque at Teta Mendoza ng Fifth District, Board Member Jay De Guzman at Art Legaspi ng Sixth District.
 
Mga halal na punong bayan/ lungsod na sina Mayor Enrico Roque ng Pandi, Mayor Jonjon Villanueva ng Bocaue, Mayor Ferdie Estrella ng Baliwag, Mayor Christian Natividad ng Malolos City, Mayor Gazo Galvez ng San Ildefonso, Mayor Henry Villarica ng Meycauayan City, Mayor Arthur Robes ng City of San Jose Del Monte, Mayor Agatha Cruz ng Guiguinto, Mayor Ronaldo Flores ng DRT, Mayor Jocell Vistan-Casaje ng Plaridel, Mayor Maritz Ochoa-Montejo ng Pulilan, Mayor Omeng Ramos ng Sta Maria, Mayor Jowar Bautista ng Angat, Mayor Iskul Juan ng Bustos, Mayor Vergel Meneses ng Bulakan, Mayor Lem Faistino ng Calumpit, Mayor Baby Manlapaz ng Hagonoy, Mayor Ricky Silvestre ng Marilao, Mayor Meelyn Germar ng Norzagaray, Mayor Ding Valeda ng Obando, Mayor Ann Marcos ng Paombong, Mayor Roderick Tiongson ng San Miguel, Mayor Cholo Violago ng San Rafael, at Mayor Eladio Gonzales ng Balagtas.