BULAKAN, Bulacan–GUGUNITAIN ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Martes, (Agosto 30) ang ika-172nd Birth Anniversary ni Gat Marcelo H. Del Pilar kasama ang mga lokal na mamamahayag kung saan idineklara ang araw na ito bilang non-working holiday kasabay ng pagdiriwang ng kauna-unahang National Press Freedom Day.
Dahil sa patuloy na pag-iral ng COVID-19 pandemic na nagsimula pa noong 2020, ang taunang selebrasyon ng Marcelo Day na mayroong civic parade and program sa dambana ni Del Pilar sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas na dinadaluhan ng mahigit sa 1,000 multi-sectoral groups ay kanselado pa rin.
Ayon kay Katrina Ann Bernardo-Balingit, naglabas si Gov. Daniel Fernando ng Executive Order No. 258 Na nagdedeklarang non-working holiday sa buong proinsiya sa ilalim ng Republic Act 7449, An Act Declaring every Aug. 30 Marcelo H. Del Pilar Day as a Non-Working Holiday for Bulacan na naipasa noong April 27, 1992.
Pangungunahan ni Fernando ang naturang okasyon kasama sina Vice Gov. Alexis Castro, Bulakan Mayor Vergel Meneses at ibang mga officials sa pamamagitan ng simpleng wreath-laying ceremony sa dambana ni Del Pilar.
Magsasagawa rin ng pag-aalay ng bulaklak ang mga national at local journalists kung saan ang National Press Club of the Philipines (NPC) sa pamumuno ni President Lydia Buena ay ire-representa ni Carmela Reyes-Estrope, president ng Central Luzon Media Association (CLMA) kasama ang Bulacan Press Club sa pamumuno ni Omar Padilla.
Taong 1985, kasama ang National Press Club at Bulacan Press Club ng national at provincial government officials sa pagkuha sa mga labi ni Del Pilar sa hometown nito sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas.
Si Del Pilar ay tinaguriang “the great propagandist” at kinilala rin bilang Father of Philippine Journalism.
Ang buong bansa ay ipagdiriwang din ang kauna-unahang National Press Freedom Day matapos aprubahan at lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang RA 116991 na nagdedeklara taun-taon ang Marcelo Del Pilar Day bilang National Press Freedom Day.
Kasabay ng pagdiriwang ng ng Marcelo Day, pangungunahan ni Reyes-Estrope ang CLMA sa pagsasagawa ng tree planting sa Gen. Gregorio Del Pilar Integrated School Sa nasabi ring bayan.