Bulacan nakiisa sa pagdiriwang ng National Flag Day at Heritage Month

HIYAS50 RIBBON CUTTING CEREMONY. Governor Daniel R. Fernando together with Vice Governor-elect Alexis C. Castro leads the ribbon cutting ceremony of Ang Eksibit ng Kasaysayan ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center in line with the celebration of HIYAS50: Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center at the Bulwagang Guillermo Tolentino, Hiyas ng Bulacan Cultural Center, Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound, City of Malolos, Bulacan on Saturday (May 28, 2022). Joining them are (L-R) Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office Head Dr. Eliseo Dela Cruz, Vicente “Bong” Enriquez, president of the Women of Malolos Foundation, Inc.; Provincial Administrator Antonette Constantino and Chancellor Dr. Romeo Inasoria, representative of President Cecilia Gascon of Bulacan State University.
ANG Provincial Government of Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO) ay pinangunahan ang mga local officials dito para ipagdiwang ang National Flag Day at National Heritage Month sa isang joint program na isinagawa sa Bulacan Sentrong Pangkultura, Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound nitong Sabado, May 28, 2022.
 
Ang pagdiriwang ay sinimulan ng flag raising ceremony at wreath laying activity sa monumento ni Gat Marcelo H. del Pilar  sa harap ng kapitolyo na pinangunahan ni reelected Governor Daniel Fernando at Vice Gov-elect Alex Castro kasama sina Provincial Administrator Anne Evangelista at PHACTO head Dr. Eliseo Dela Cruz.
Pag-aalay ng bulaklak sa rebulto ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando at Vice Gov.-elect Alex Castro kasabay ng pagdiriwang ng National Flag Day at Heritage Month na ginanap sa harapan ng kapitolyo nitong Sabado. Ni: ERICK SILVERIO
 
Sinundan ito ng ribbon cutting ceremony sa Guillermo Tolentino Exhibit Hall, Hiyas ng Bulacan Cultural Center para sa pagdiriwang naman ng ika-50th Anniversary exhibit.
 
Sa Nicanor Abelardo Auditorium ay isang short audio video presentation ng SINEliksik Bulacan Docu Special: “Ako ang Hiyas ng Bulacan Cultural Center” ang ipinalabas at pinanood ng mga dumalo.
 
Parte ng event ay ang paglulunsad ng “Pasyal Kultura sa Bulacan” Web Magazine at SHINE Bulacan Web Magazine sa pangunguna ni Dr. Sylvia Joaquin, vice chairman of SHINE Bulacan project kung saan itinampok ang mga cultural treasuries ng Bulacan, kontrinusyon ng mga national artists mula sa Bulacan, ‘Kundiman’ song artists Nicanor Abelardo at Francisco Santiago.
 
“Dapat ay mapanatili, ipamana at ipamulat sa mga kabataan ang kahalagahan ng mga kasaysayan at kultura ng Bulacan at ng buong  bansa,” ayon kay Fernando.
 
Ibinahagi rin ng gobernador kung paano siya nagsimula sa pag-arte nang sumali siya sa workshop acting na dito rin sa nasabing auditorium ginanap bilang stage actor sa Dulaan Kabataan Workshop at Barasoain Kalinangan Workshop bago siya nadiskubre ni award winning movie-television director Peque Gallaga kung saan  ang unang movie appearance nito na pinagbidahan ay ang “Scorpio Nights” taong 1985.