BrigadangAyala namahagi ng Noche Buena packs sa 6,000 pamilya

Brigadang Ayala donates 6000 Noche Buena packs to families nationwide
BrigadangAyala Noche Buena packs pinamahagi ng mga kawani at volunteers ng WeAreAyala Business Club (WAABC) para sa 6,000 pamilya sa buong bansa kamakailan.

MANILA – Ilang raw bago sumapit ang Pasko ay namahagi ang BrigadangAyala ng Noche Buena packages ng nasa 6,000 pamilya sa magkakahiwalay na probinsiya sa buong bansa.

 

Mahigit 500 na empleyado at volunteers mula WeAreAyala Business Club (WAABC) ang nagtungo sa ibat-ibang lugar mula sa 6 na probinsya upang ibahagi ang Noche Buena packs na may lamang grocery items na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang mga benepisaryo ay pinili sa mga komunidad mula Pampanga, Cebu, Negros, Iloilo, Cagayan de Oro, and Davao.

 

“This is the third Christmas since the pandemic started, so we in the Ayala community wanted to do something, and decided to make Christmas extra special for some of our kababayans. Ngayong Pasko, sagot namin ang noche buena ng 6,000 na pamilya,” ani Rene Almendras, Ayala Corporation’s Group Head of Public Affairs.

“As we bring #BrigadangAyala to the areas we serve, we want our employees to be more involved and share in the joy of giving, dahil mas masarap mag-celebrate ng Pasko kapag nakakapagbigay tayo ng ngiti at pag-asa sa ating kapwa Filipino,” dagdag ni Alemndras.

 

Ipinamigay ang mga nasabing Noche Buena packs sa pamamagitan ng iba’t ibang WAABC chapters na binubuo ng mga empleyado mula sa iba’t ibang business units ng Ayala group. Sinusulong ng WAABC chapters ang business synergy, community engagement, external relations, at culture building.

 

Noong Disyembre 2021, isinagawa ng #BrigadangAyala ang isang 12-week food distribution program na naglalayong matulungan ang mahigit 10,000 na pamilya.

 

Sa ilalim ng programang ito ay makakatanggap ang bawat pamilya ng isang linggong supply ng bigas, gulay, prutas, at tinapay. Ang mga benepisaryo ng programang ito ay ang mga breadwinner na nawalan ng kabuhayan noong tumama ang pandemya.

 

Sa oras ng kalamidad at sakuna, nagbibigay ng tulong ang #BrigadaAyala sa mga lubhang naapektuhan na komunidad.

 

Katulad noong Agosto nang tumama ang magnitude 7.0 na lindol; noong Setyembre nang tumama ang super typhoon Karding; at noong Disyembre nang tumama ang typhoon Odette.

 

Nagsasagwa rin ang #BrigadaAyala ng samu’t-saring programa patungkol sa social development at corporate social responsibility. Kasama rin ang disaster relief and response, public education assistance, championing of social enterprises, public health advocacy, atbp.