PORMAL nang pinasinayahan sa pangunguna ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go kasama ang mga city officials ng City Government of Meycauayan sa isinagawang inagurasyon ng itinayong P11.5-milyon Super Health Center (SHC) sa Barangay Camalig, City of Meycauayan kanina, Hunyo 9, 2023.
Sina Meycauayan Mayor Henry Villarica, Vice Mayor Jojie Violago at mga kasapi ng Sangguniang Lungsod ay sinamahan si Senator Go sa pagpapasinaya sa ginanap na launching ng Super Health Center dito na siyang tutugon sa mga programang pangkalusugan sa nasabing lungsod.
Ayon sa senador, kabilang sa mga serbisyong hatid ng SHC ay database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, and ambulatory surgical unit.
Kabilang din ang eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers; physical therapy and rehabilitation center; and telemedicine, kung saan magagampanan din dito ang remote diagnosis at treatment sa mga pasyente.
Maaari rin itong maging flexible sa iba pang mga uri ng paggagamot sa mga susunod pang panahon.
Ang nasabing center na itinayo sa 420-square meters ay kabilang sa 15 mga Super Health Centers na nagkakahalaga ng P172.5 million o P11.5 million bawat isa na pinondohan ng national government na itatayo sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon pa sa senador, pito sa mga ito ay napondohan sa ilalim ng 2022 National Budget at matatagpuan sa mga bayan ng Bulakan, Guiguinto, Balagtas, Meycauayan City, City of San Jose Del Monte, San Miguel at Pandi.
Habang ang mga Super Health Centers na itatayo sa mga bayan ng San Ildefonso, San Rafael, Baliwag City, Plaridel, Marilao, Obando, Paombong at Angat ay nakapaloob naman sa 2023 National Budget.
“The Super Health Center is a medium type polyclinic that will be run by the local government unit wherein the main goal is to bring closer to the people the health services they needed in time of emergency,” wika ni Go.
Ayon naman kay Mayor Villarica, ang kanilang pamahalaang lungsod ay handa at nasa full capacity para pamahalaan ang nasabing Super Health Center.
“We will try to preserve the facility and ensure that it will benefit many residents of Meycauayan particularly from Barangay Camalig, Pajo and Bahay Pare,” ani Villarica.
Lubos naman pinasalamatan nina Villarica at Violago si Go sa patuloy nitong pagsuporta at pagbaba ng mga proyektong gaya ng SHC para sa mga mamamayan ng Meycauayan.