Bata, 3 patay, mga magulang sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Bulacan 

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga — Patay ang isang tatlong taong gulang na batang babae at sugatan ang mga magulang nito naganap na banggaan ng motorsiklo sa bayan ng Santa Maria, Bulacan nitong Linggo ng madaling araw, Marso 10, 2024.
 
Kinilala ang nasawi bata na si Margaux Alyson Verana, habang ang kanyang mga magulang na nagtamo ng mga pinsala sa banggaan ay sina Ronrick Verana at ang kanyang live-in partner na si Lalaine Llabore. 
 
Base sa panimulang  imbestigasyon, aksidenteng nabangga ng isang Euro Viperman 150 na motorsiklo, walang plaka na minamaneho ni Ephraim Mungcal ang motorsiklo ng mga biktima, na Honda Click 125 na may plakang 328CPW, bandang alas- 12:17 ng madaling araw. 
 
Nangyari ang aksidente sa Crossing malapit sa Waltermart sa Barangay Santa Clara, Santa Maria Bulacan.
 
Mabilis na isinugod ng mga rumespondeng rescuers ang mga biktima sa  Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa nasabing bayan ang bata at ang kanyang mga magulang ngunit kalaunan ay binawian ito ng buhay.
 
Si Mungcal ay inilagay sa kustodiya ng Sta Maria MPS at nahaharap sa mga kaso ng reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to properties.