Balitang pag-upo ni Sermonia bilang PNP chief, tsismis lang

PINABULAANAN ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang kumakalat na tsismis na si Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia, second-highest official of the Philippine National Police (PNP) ang siyang napili ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na susunod na chief of police.

LtGen. Rhodel Sermonia

Ayon ka Abalos, ang pagpili sa susunod na PNP head ay patuloy pang pinag-uusapan ng Pangulo.

“It is not true. Still being discussed,” pahayag ni Abalos sa mga mamamahayag sa kaniyang text message makaraang kumalat ang balita sa online kaugnay ng pagkakatalaga kay Sermonia.

Nabatid na si Lt. Gen. Vicente Danao Jr. pa rin sa ngayon ang officer in charge sa Pambansang Kapulisan.

Si Sermonia ay kasalukuyang No. 2 sa PNP’s police force matapos siyang italaga ni noo’y PNP chief Gen. Dionardo Bernardo Carlos.

Pinalitan niya si Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson, na ngayon ay nasa non-duty status makaraan ng kaniyang mandatory retirement noong March 27.

Si Lt. Gen. Ferdinand Divina naman ang humalili kay Sermonia bilang deputy chief for operations, ang pangatlosa mataas na posisyon sa PNP.