BABALA NI GOV. DANIEL FERNANDO, SA HALALAN 2022 

SA isang esklusibong panayam, inabisuan ng butihing Ama ng Lalawigan ng Bulacan, Gobernador  Daniel Fernando, ang mga Bulakenyo, tungkol sa papalapit na halalan 2022.

Ayon kay Fernando. “mag-ingat sa pagpili ng mga kandidato, at isang araw lang ang halalan Pero mahaba ang panahon na isasakripisyo ng sambayanan. Dapat maging matalino sa pagpili ng kandidato. Hindi iyung narigaluhan ka ng kung anong bagay ay OKAY na. Ang mahalaga ay dapat ‘general,’ iyung makatutulong sa ating mga kababayan, sa mga mamamayang Pilipino, at may malasakit na totoo. Tunay na may takot at pagmamahal sa Diyos, iyun ang mahalaga.”

Gob. Daniel Fernando kasama si Katropa Vic Billones III

“Tungkol naman sa ‘vote buying’ ay bantay-bantay lang tayo, sapagkat hindi sa lahat pagkakataon ay puro pera. ‘Man does not live by bread alone,’ walang nabubuhay sa tinapay lang. Ang mahalaga ay iyung puso natin ang nasusunod, dahil sa tamang kandidatong pipiliin mo,” dagdag pa ni Gov. Fernando.

Tsk! Tsk! Tsk! Ang salawikain na ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lamang, ay nangangahulugan na ang mga tao ay nangangailangan ng higit pa kaysa sa mga simpleng pangangailangan, upang mapanatili silang buhay sa biyolohikal, kailangan nila ng mga bagay na magpapakain sa kanila sa pag-iisip, espirituwal, aesthetically, at kailangan nila ng mga bagay na nagbibigay ng kahulugan sa kanilang buhay. Kaya tama ang Gobernador na sabihin na bigyan ng bigat at maging makabuluhan ang pagpili sa tamang kandidatong iluluklok natin sa kapangyahrihan. Mabuhay ka Bulacan Gov. Daniel Fernando!
***

Nakahuntahan natin si Irma Celones. 67 yo, negosyante, kumakandidatong Pangalawang Punong Bayan (PPB) ng Marilao, kamakailan. Si Celones ay kasalukuyang Konsehal ng nasabing bayan. Mula sa kanya ay ating napag-alaman na inabisuhan siyang tumakbo, bilang PPB, ng kanyang mga malalapit na kaibigan, dahil sa magandang record at kahusayan. Nais niya na maging pantay- pantay ang tingin at ang kalagayaan ng buhay ng bawat tao, partikular na ang mga Senior Citizens.

“Masipag akong makiisa sa mga programa, at makitugon sa mga kailangan ng mga mamamayan. Kung anumang programa na galing sa nasyunal o lalawigan, laging interesado ako, dapat ibaba sa mamamayan,” wika pa ni Ka Irma. 

MAYOR ART AT CONGW RIDA ROBES, MAGALING! – TODA PRES., BRGY MUZON 

Narito naman ang isang mahusay humarap sa tao, magalang, at nagpapasalamat kay Mayor Arthur Robes, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) walang iba kundi si Ely Castillo, 72, yo, Pangulo ng Tricycle Operators Drivers Association (TODA,) sa Barangay Muzon, LSJDM, Bulacan. Tatlong beses na naging Pangulo ng nabanggit na grupo, na may ‘units’ na umaabot sa 900 plus. Ayon sa kanya, “sumusuporta sa amin ang aming butihing Mayor Arthur Robes at Congresswoman Rida, LSJDM, magaling silang magdala, lahat, kompleto sila ng pinaggagawa. Maganda naman sila magdala. Sa aming kagalang-galang na Mayor ipinagmamalaki ko po kayo bilang Ama ng Bayan, kasama si Cong Ate Rida, na kung saan buong buo na sinusuplayan ng kabuhayan, ang lahat ng tricyles dito sa San Jose Del Monte. Mabuhay po kayo!