MAINIT na pinaguusapan ngayon ang tungkol sa International Criminal Court (ICC) at iyung nakaraang administrasyon. Atin pang nabatid mula sa isang ulat na lumabas sa ‘social media’ na tinangihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang hakbang ng ICC na ipagpatuloy ang imbestigasyon nito sa ‘war on drugs’ ng nakaraang Administrasyon, sa pagsabing walang hurisdiksyon ang ICC, at iginiit na ang Pilipinas ay may magandang sistema ng hustisya.
Ayon pa sa ulat na ating isinatagalog sinabi ni Marcos na, "hindi pa rin nagbabago ang posisyon ko. Madalas kong sinabi, bago pa man ako maupo bilang pangulo, na maraming katanungan tungkol sa hurisdiksyon ng (ICC) at kung ano ang itinuturing nating panghihimasok sa ating mga panloob na usapin at banta sa ating soberanya," sabi ng Pangulo.
Batay sa ating pananaliksik, ang ICC ay itinatag noong ika-1 ng Hulyo 2002, sa Rome, Italy. Ang ICC, na pinamamahalaan ng Rome Statute, ay ang unang permanenteng, batay sa kasunduan, internasyonal na korte ng kriminal na itinatag upang tumulong na wakasan ang impunity para sa mga may kasalanan ng pinakamalubhang krimen na ikinababahala ng internasyonal na komunidad.
Ano ba ang Rome Statute ng ICC, ito ay ang kasunduan na nagtatag ng ICC Pinagtibay ito sa isang diplomatikong kumperensya sa Rome, Italy noong 17 Hulyo 1998 at nagkabisa ito noong 1 Hulyo 2002. Noong Nobyembre 2019, 123 states are party to the statute.
Ano ang ICC? Ito ay nag-iimbestiga at, kung kinakailangan, tries individuals charged with the gravest crimes of concern to the international community: genocide, mga krimen sa digmaan, mga krimen laban sa sangkatauhan at ang krimen ng agresyon.
Ang Pilipinas ay isa sa nagpatibay, katayuan ng ICC ay niratipikahan ng Pilipinas ang Rome Statute noong Agosto 30, 2011. Ang ICC ay may hurisdiksyon sa mga krimen ng Rome Statute na ginawa mula noong Nobyembre 1, 2011.
Sa ating nababalitaan, naging masalimuot ang takbo ng ‘war on drugs,’ ng nakaraang liderato sa Pilipinas, ng pumasok ang salitang “extrajudicial killing,” at dito na nakialam ang ICC, ang kanilang misyon ay imbestigahan at kung kinakailangan, prosecute individuals charged with the gravest crimes of concern sa internasyonal na komunidad.
Noong ika-17, ng Marso 2018, pormal na ipinaalam ni Pangulong Duterte noon sa United Nations secretary-general na aalis na ang Pilipinas sa Rome Statute ng ICC. Alinsunod sa kasunduan sa ICC, nagkabisa ang pag-alis makalipas ang isang taon.
Bahagi ba ng ICC ang Pilipinas? Bagama't hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas, sa ilalim ng Rome Statute nananatili ang hurisdiksyon ng korte sa mga krimeng ginawa doon bago ang pag-withdraw ng bansa.
Tsk! Tsk! Tsk! Bagamat iyan ang patunay, subalit ang Pilipinas ay may kalayaan, may kasarinlan na dapat yapusin, may sariling batas na pinaiiral, at hindi dapat panghimasukan ng ibang bansa. Kung ano ang paninindigan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay iyan ang dapat masunod at suportahan ng bawat mamamayang Pilipino. Tayo ay bansang may isang diwa!