Mahal na araw na naman, gaano kahalaga ito sa buhay Kristiyano? Ito ay isang makabuluhang araw para sa pamayanang Kristiyano dahil ginugunita nito ang pagpapako sa krus ni Hesukristo. Si Judas ay nagkanulo kay Hesus, at ang mga Kristiyano ay naniniwala na si Hesus ay bumalik tatlong araw pagkatapos na ipako sa krus, sa araw na kilala bilang Pasko ng Pagkabuhay.
Narito ang mensahe ni Mayor Arthur Robes ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) “ang binibigyang-pansin ay ang kahinaan nating mga tao. Mayroon tayong kanya-kanyang pagkakasala at pagkukulang sa buhay. Subalit ngayong Mahal na Araw, tandaan po natin na mas malaki at higit pa ang grasya at pag-ibig ng Ama sa ating lahat. Tunay na nananaig pa rin ang kanyang awa na mahalin tayo katulad ng pagmamahal sa kanya ng Ama, upang ang Diyos ay mahalin natin nang may buong puso, kaluluwa, at pag-iisip, at mahalin din natin ang ating kapwa gaya ng ating sarili. Isang Mapagpalang Martes Santo Mahal kong San Joseño!
Tsk! Tsk! Tsk! Habang binubuo natin ang kolum na ito, ay iyan ang ating natunghayang mensahe ni Mayor Robes, na punong puno ng pagpapahalaga sa pagdiriwang ng Mahal na araw. Totoong mahal tayo ng Panginoon sa Langit. Amen.
KABUTIHAN AT TULONG NI DR. CABUCO NAAALALA PA RIN
Nais kong ituloy ang nauna kong lathalain hinggil sa kabutihan at pagiging matulungin ni Dra. Rosalyn Cabuco, kasalukuyang tumatakbong konsehal sa Distrito Uno, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM.) Batid po ba ninyo, na si Dra. Cabuco ay nakilalang mapagbigay, hindi lamang sa libreng paggamot kundi maging sa kaligayahan ng mga Senior Citizens. Napabalitang nagbigay ito ng Karaoke para sa kasiyahan ng mga lolo at lola, at maraming natuwang mga Senior Citizens sa ugaling ito ni Dra. Cabuco. Iyan ay nangyari noong 2019, subalit magpahanggang ngayon, ay hindi makalimutan ng mga taong nakaaalam ng kanyang pagiging matulungin. Atin pa rin napag-alaman na ilang libong miyembro ng mga Tricycle Drivers sa kanyang Distrito, ang kanyang nabiyayaan ng ‘medical at accidental Insurance,’ ilang buwan na ang nakaraan.
Gayundin ang may sakit sa mata, tulad ng katarata, ay kanya rin nalalapatan ng lunas, ilang buwan na rin ang nakaraan. Sa hindi pa nakababatid, ang katarata ay isang pag-ulap ng lente sa mata, na nagreresulta sa mga pagbabago sa paningin. Dahil sa pagiging matulungin ni Dra. Cabuco, ang check-up at operasyon sa nasabing sakit sa mata ay inili-libre na rin niya. Nabanggit pa niya na ang mga pasyente habang naghihintay sa kanyang klinika ay may libreng pagkain pa.
Tsk! Tsk! Tsk! Saan ka pa makakakita ng ganyang lingkod-bayan na talagang may sensiridad sa pagtulong sa mga taong kapos sa lahat ng bagay. Maliban diyan ay may mga iskolars na rin siyang napagtapos, isa sa nakilala ko ay isang manggagamot na din. Isa pa sa marami ng naitulong ni Dra. Cabuco ay ang libreng paggamot at pagpapaanak sa 220 na mga buntis, ilang buwan na rin ang nakalipas. Nasabi ni Cabuco na nais niyang ipagpatuloy ang kanyang mga naumpisahang mga programa, na naantala dahil sa eleksyon. Kasama siya sa lapiang Arangkada San Josenio na gawa ni Mayor Arthur Robes at VM Efren Batolome, Jr., gayundin si Congw Rida Robes, at mga Konsehal sa Distrito Uno na may 23 baranggay. Magaling! Mabuhay ka Dra. Cabuco!