AMID FLOODING

Nilusong ni Gob. Daniel R. Fernando (gitna) ng Bulacan ang baha upang pangunahan ang mabilisang pamamahagi ng mga ayuda sa may 8,343 apektadong pamilya mula sa mga Barangay ng Corazon, Sapang Bayan, Gatbuca, Frances, Calizon at San Marcos sa Calumpit, Bulacan kahapon na dulot ng Habagat na pinalakas ng mga Bagyong Egay at Falcon.

Kasama din niya sina Provincial Information Officer Katrina Anne B. Balingit, Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena J. Tiongson, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Manuel M. Lukban, Jr. at iba pang empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.