Kasabay ng pagdiriwang ng bayan ng Guiguinto, Bulacan ng kanilang ika-25 Halamanan Festival ay inilunsad nito ang “Adopt an Estero” project katuwang ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Balagtas nitong Huwebes.
Ayon kay Guiguinto municipal administrator Elmer Alcanar, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng weeklong celebration ng Halamanan Festival at ito ay joint Ugong Creek clean-up and rehabilitation project ng bayan ng Guiguinto at Balagtas.
Pinangunahan nina Guiguinto Mayor Agatha Cruz at Balagtas Mayor Eladio Gonzales Jr. ang isinagawang clean-up sa Ugong Creek katuwang ang mga volunteers mula sa munisipyo at mga barangay sa pakikipagtulungan ng Municipal at Bulacan Environment and Natural Resources Office.
“This is a challenge-project of every local government units that must be sustained at hindi dapat ihinto dahil kailangan pangalagaan natin ang kalikasan,” wika ni Mayor Cruz.
Ayon kay Mayor Cruz, patuloy ang kanilang isinsagawang dialogue sa mga commercial establishments partikular na sa mga mismong nasa gilid ng Ugong Creek na may 1.3 kilometro at sa mga ilog kung saan ang mga ito ay nangako na tutugon sa programa ng alkalde sa paglilinis ng mga kailugan.
Sa mensahe ni BENRO chief Atty. Julius Degala, nangako ito na suportado ng provincial government ng Bulacan ang programang adopt an estero sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Daniel Fernando.